BB maniningil na sa gustong manood ng mga pasabog niya sa YouTube: So, pera-pera na lang?

By Reggee Bonoan September 17,2020
share this

BB maniningil na sa gustong manood ng mga pasabog niya sa YouTube: So, pera-pera na lang?

By Reggee Bonoan September 17,2020 - 11:59 AM

 

NAPANSIN ni BB Gandanghari na maraming views at hits ang vlog niya tungkol sa love story nina “Jonathan” at “David” na nagsimula sa San Francisco, USA.

Ang tinutukoy ni BB na si David ay ang dati niyang katauhan na si Rustom Padilla at ang Jonathan naman ay isa raw sikat na aktor.

Noong una ay hindi pa pinapangalanan ni BB kung sino si Jonathan ngunit sa ilang bahagi ng kanyang vlog ay diretsahan na niyang binanggit si Piolo Pascual na ikinaloka ng lahat.

Kaya naman binabantayan na ang lahat ng ina-upload ni BB sa kanyang vlog at dahil dito ay maniningil na siya ng membership mula sa YouTube subscribers niya  mula sa $1.99 para sa BBnatics, $9.99 BBlicious, at $99.99 BBingers monthly.

Narito ang ilang obserbasyon ng mga nakapanood ng vlog ni BB at ng mga nakausap namin tungkol sa kanyang mga pasabog.

“Grabe itong si BB, nanggugulo ng mga taong nananahimik, tapos pagkakakitaan pa? Puno’t dulo naman nito PERA at pamparami ng subscribers kasi as of now 119k palang.

“‘Yun ang totoo, need niya ng datung. Aminin natin mahirap ang buhay niya sa Amerika kahit sabihin pa niyang may work siya, anubey!” sabi sa amin ng kaibigang nagtatanggol kay Piolo.

Binanggit namin na marami na ang pumuna kay BB sa mga kuwento niya sa vlog kabilang na ang mga dati niyang kaibigan, pero tinabla niya ang lahat ng mga ito kaya ayaw na siyang patulan.

“E, kasi that time hindi pa naman niya binanggit na maniningil na siya, eh. E, ngayon, lumabas ang totoo, PERA talaga kasi nga maraming manonood at inaabangan talaga, so maniningil na siya. Bongga si BB, iba ang bayad ng YT sa kanya, iba pa ‘yung sisingilin niya,” sabi pa sa amin.

Sabi naman ng isang TV executive, “Bakit ba kasi pinagpapapansin pa ‘yan?  Wala naman naitutulong sa ekonomiya, ‘yang $1 buti pa, itulong na lang ‘yan sa mga nagugutom dito sa Pinas, may saysay pa.”

Habang sinusulat namin ito ay may live streaming si BB, ang “Mornyts vloG #23: What’s On The Table? Let’s Speak American”.

Base sa nakita naming reaksyon ng mga netizens, maming nag-participate sa bago niyang pakulo at nagsabi pang suportado siya sa lahat ng kanyang mga ginagawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending