Anne miss na miss na ang Pinas pero ayaw munang magtrabaho: Yung oras ko talaga is for Dahlia | Bandera

Anne miss na miss na ang Pinas pero ayaw munang magtrabaho: Yung oras ko talaga is for Dahlia

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 09:40 AM

 

WALANG balak iwan ni Anne Curtis ang Kapamilya noontime variety program na “It’s Showtime.”

Ito ang siniguro niya sa kabila ng ilang buwan na niyang hindi pagre-report sa show matapos manganak sa panganay nila ni Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelié.

Halos mag-iisang taon na ring nasa Australia si Anne kung saan siya nanganak at aminado siya na miss na miss na niya ang pagho-host at pag-arte sa harap ng camera.

Kuwento ng TV host-actress sa online chikahan nila ng TV and movie writer na si G3 San Diego, may mga naghihintay na raw sa kanyang mga trabaho pag-uwi niya ng bansa.

“I’ve spoken to Viva. May mga movies na kaagad pag-uwi ko anytime na magaganda din. Actually tinatanong na nga ako kailan ako uuwi,” lahad ni Anne.

“I know that eventually I’ll get back to work. I will get back to it. That’s for sure. Pero siyempre, hindi ko lang siya priority as of now.

“Siyempre meron akong bagong baby. And I really want to be here for her as much as I can. Parang I don’t want to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako,” paliwanag ng aktres.

Natanong din siya kung willing din ba siyang gumawa ng mga digital projects tulad ng ginagawa ngayon ng halos lahat ng artistang nawalan ng mga raket sa showbiz.

“I mean siyempre that option will be there anytime lalo na ‘yung asawa ko napaka-savvy when it comes to that world.

“Pero siyempre no rush naman lalo na ang hirap ‘yung oras ko ngayon, it’s so hard.

“Wala akong oras. ‘Yung oras ko talaga is for Dahlia. So we’ll see. I don’t know when,” katwiran ni Anne.

Samantala, excited na rin daw siyang bumalik sa “Showtime” at wala siyang planong mag-resign dito, “It was the best decision I’ve ever made because I met a new family. Eleven years strong na ‘yung family na ‘yun. Aside from meeting a new family, it really helped me reach millions of Filipinos.

“It was a way for them to see a different side of me. Yes medyo kikay ako and I like to dress up pero makulit pa din, bungisngis, palatawa.

“I am also a very crazy girl. Although I feel that somehow, being a mother has maybe toned it down a little bit,” pahayag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana raw makauwi na sila sa Pilipinas bago mag-Pasko, “Hopefully by the end of this year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero of course playing it by ear pa rin. We’ll see. Pero ‘yun naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan sana.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending