outbrain

Korte sa Malolos, Bulacan sarado hanggang Sept. 18

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 16,2020
share this

Korte sa Malolos, Bulacan sarado hanggang Sept. 18

By Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer September 16,2020 - 02:06 PM

Sarado muna sa publiko hanggang sa Sept. 18 ang Branch 76 ng Malolos City, Regional Trial Court.

Ito ay makaraang isang staff nito ang magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang swab test.

Sept. 3 huling pumasok sa trabaho ang empleyado at simula Sept. 4 ay nag-self quarantine.

Sa memorandum ni Executive Judge Olivia Escubio-Samar, magpapatupad ng skeleton workforce bahang sarado ang korte.

Tuloy pa rin ang operasyon ng korte sa pamamagitan ng hotline numbers at judiciary email accounts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending