Budget sa medical scholarship napakaliit – Sen. Recto | Bandera

Budget sa medical scholarship napakaliit – Sen. Recto

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 16, 2020 - 02:06 PM

Ikinumpara ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang magagasta sa libreng pagpapa-aral ng mga nangangarap at kaparapat dapat na maging doktor sa intelligence and confidential funds.

Ipinunto ni Recto na napakaliit ng kailangan pondo para sa medical scholarship ngunit malaki naman ang maibubunga sa isang bansa katulad ng Pilipinas na kulang ang mga pampublikong doktor.

Tiniyak ng senador na ang pondo na kakailanganin para sa pagpapa-aral ng nais maging doktor ay lubhang napakaliit kumpara sa P9.6 billion intelligence and confidential fund at sa P20.1 billion travel fund at katiting lang ng P1.2 trillion personal services budget ngayon taon.

Sinabi nito kung ang mga sinasabing gastos ay mahalaga para sa demokrasya, hindi naman aniya masasabing hindi mahalaga ang pagkakaroon ng mga karagdagang pampublikong doktor.

Nabanggit nito na, mayroon lang sa ngayon 78,400 doctors sa bansa para sa populasyon na 106.9 milyon.

Idinagdag pa nito ang lumulobong bilang na rin ng senior citizens na ngayon ay 8.6 porsiyento ng populasyon at kailangan na kailangan na talaga ng mangangalaga sa mga Filipino hanggang sa mga liblib na lugar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending