Tom sa pagbabalik-taping: Kinakabahan, parang bagong pasok ulit sa eskwelahan

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Tom sa pagbabalik-taping: Kinakabahan, parang bagong pasok ulit sa eskwelahan

By Ervin Santiago September 16,2020 - 09:39 AM

 

FEELING ni Tom Rodriguez bagong pasok ulit siya sa eskwelahan nang muling sumabak sa pag-arte.

Nagbalik-taping na rin kasi ang Kapuso actor para sa upcoming Kapuso mini-series na “I Can See You: High Rise Lovers.”

Sa kanyang Instagram video, ibinahagi ni Tom na masaya siyang magbalik-trabaho kahit pa nanibago nang bonggang-bongga sa “new normal” ng taping.

Aniya, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working.

“Kasama ko ‘yung cast and crew. Iba pa rin talaga ‘yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom ‘yung trabaho,” sabi ng boyfriend ni Carla Abellana.

Idinetalye rin ni Tom na maingat nilang sinusunod ang mga bagong patakaran sa pagte-taping, “Siyempre maraming bago. Konti lang ‘yung
tao.

“Kailangan social distancing pa rin and siyempre ‘yung ibang mga eksena na usually magagawa mo na may physical touching, medyo dito
iniiwasan na talaga,” paliwanag ng aktor.

Inamin din niya na nag-a-adjust pa siya sa muling pag-arte matapos mapahinga ng ilang buwan nang dahil sa community quarantine dulot ng
COVID-19 pandemic.

“Siyempre, 12 hours lang ‘yung limit namin sa isang araw. So kailangan na magawa ‘yung bawat eksena. Medyo kanina naninibago lang. Parang
bagong pasok ulit sa eskwelahan, may kaba. But I’m happy to be back,” lahad ni Tom.

Makakasama niya sina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa “High Rise Lovers”, mula sa direksyon ni Monti Parungao, na isa sa apat na series ng drama anthology na “I Can See You” na mapapanood na simula Sept. 28 sa GMA Telebabad.

Samantala, back to work na rin ang Kapuso actress na si Lovi Poe para nga sa mini-series niyang “I Can See You: High Rise Lovers”.

Masisilip sa kanyang Instagram stories ang ilang behind-the-scenes mula sa kanilang taping.

Ayon sa followers niya, excited na silang mapanood ulit ang aktres at inaabangan na nila ang premiere ng nasabing mini-series sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending