Sarah tinanggal ang hiya ni Kyle Echarri, tinuruang maging humble

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Sarah tinanggal ang hiya ni Kyle Echarri, tinuruang maging humble

By Ervin Santiago September 16,2020 - 09:23 AM
NANG dahil kay Sarah Geronimo natanggal ng Kapamilya young singer-actor na si Kyle Echarri ang pagiging mahiyain kasabay ng pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili.
Ayon sa binatilyo, napakarami niyang natutunan sa kanyang coach na si Sarah noong sumali siya sa “The Voice Kids” season 2 five years ago.
Bukod sa tiwala sa sarili at disiplina, isa pang hindi malilimutang ipinayo sa kanya ng Popstar Royalty ay ang pagiging humble sa lahat ng oras at anumang panahon.
“One thing that I kept with me that she always told me was to keep my feet on the ground and that’s the number one thing,” pahayag ni Kyle sa panayam sa kanya ng Monster RX93.1 kamakailan.
Aniya pa, “She always made sure that her artists are humble at all time no matter how far we’ve got.
“She always treated each one of her artists the same. And she always made sure that we always keep our feet on the ground.
“And I think the one thing that she helped me with the most was my confidence ’cause, like I said, I was super shy.
“If you guys saw my blind audition, I was even more shy. So Ate Sarah really helped with that and how I present myself on stage and how I feel the stage all the time,” lahad pa ng singer-actor.
Samantala, bukod sa pag-arte at pagkanta, sumabak na rin si Kyle sa pagpo-produce ng kanta.
Siya na ang sumulat ang nag-produce ng bago niyang single na “I’m Serious” under Star POP ng ABS-CBN. Makakasama ang kantang ito sa full album ng binata na may walong track.
“This album, I just really wanted the fans to get a piece of my heart, a piece of me so they know who the real Kyle is, what kind of music I really sing,” chika pa ni Kyle na huling napanood sa seryeng “Kadenang Ginto” na umeere uli ngayon sa Kapamilya Channel.
Kung matatandaan, noong 2018 humataw ang kanta niyang “Pangako” na nag-number one pa sa iTunes PH’s Top 100 Songs Chart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending