Matapos magsara ng anim na buwan, Manila Cathedral muling nagbukas ngayong Miyerkules | Bandera

Matapos magsara ng anim na buwan, Manila Cathedral muling nagbukas ngayong Miyerkules

Karlos Bautista - September 16, 2020 - 09:55 AM

Manila Cathedral Intramuros

Matapos magsara ng may anim na buwan dahil sa pandemya, muling binuksan ang pinto ng Manila Cathedral para sa mananampalataya.

“The Manila Cathedral, the Mother Church of the country, welcomes you back to our Eucharistic celebrations, as we open our doors to the public starting September 16, 2020, Wednesday,” anang simbahang matatagpuan sa Intramuros, Manila.

Pero dahil sa Covid-19, mahigpit na ipatutupad ng Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception, o mas kilala sa tawag na Manila Cathedral, ang mga health at safety protocols.

Walumpong mananampalataya lamang ang pahihintulutan sa loob ng simbahan para masigurado na mayroong tamang social distancing. May kabuuang kapasidad ang Manila Cathedral na 800.

Ang 80 na bilang ay batay na rin sa panuntunan na ipinalabas ng pamahalaan sa mga simbahan na nasa ilalim pa rin ng general community quarantine, tulad sa Metro Manila. Hanggang 10 porsyento lamang ng normal na kapasidad ang maaaring papasukin sa simbahan.

Ganundin, ang pagsusuot ng facemask at face shield ay kinakailangan.

Tuwing Linggo, ang mga mananampalataya ay maaring makinig ng Misa sa Plaza Roma sa harap ng simbahan, ayon pa sa pahayag ng tinaguriang Inang Simbahan ng bansa.

May Misa mula Lunes hanggang Biyernes tuwing  7:30 ng umaga at  12:10 ng hapon; tuwing Sabado sa ganap na 7:30 ng umaga; at tuwing Linggo, 8:00 ng umaga, 10:00 ng umaga at 6:00 ng hapon. Bukas din ang katedral para sa mga pribadong panalangin mula 8:00 hanggang 11:30 ng umaga at 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.

At tulad sa nakaraang anim na buwan, lahat ng misa ay naka-livestream sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng Manila Cathedral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending