Derek ginagamit ng sindikatong sangkot sa ‘girls for hire’, nag-offer ng P150K para sa stag party

By Ervin Santiago September 15,2020
share this

Derek ginagamit ng sindikatong sangkot sa ‘girls for hire’, nag-offer ng P150K para sa stag party

By Ervin Santiago September 15,2020 - 09:19 AM

 

NAGLABAS ng warning ang Kapuso hunk na si Derek Ramsay sa publiko laban sa mga taong sangkot sa “girls for hire”.

Ibinuking ng aktor na may sindikatong patuloy na gumagamit sa kanyang identity para makakuha ng mga babaeng nagbibigay “serbisyo” sa mga private events.

Sinabi ni Derek na matagal nang may nagpapanggap na siya sa mga ganitong uri ng modus at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa kanilang panloloko.

At nitong nakaraang araw nga lang ay may nagpadala sa kanya ng panibagong kaso ng “identity theft” kung saan naghahanap ang pekeng “Derek Ramsay” ng mga babae para sa stag party.

Dahil dito nanawagan ang aktor sa kanyang social media followers na tulungan siyang tukuyin ang taong nagpapanggap na siya para maisakatuparan ang kanilang mga plano.

Ipinost ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account ang screenshoot kung saan nakalagay ang isang unregistered number at ang message nitong, “Hi dear its Derek.”

Sa caption, ito ang iniligay ni Derek, “HI GUYS. SOMEONE IS PRETENDING TO BE ME USING THIS NUMBER.

“HE ASKS FOR GIRLS OFFERING 150K FOR A STAG PARTY.”

“THIS HAS ACTUALLY BEEN HAPPENING FOR YEARS.

“IF YOU HAVE ANY INFO ON WHO THIS PERSON IS PLS DM ME.”

Bukod dito, isang video rin ang ipinost ni Derek sa kanyang  Instagram Story kung saan mariin uli niyang pinabulaanan na naghahanap siya ng mga babaeng “for hire.”

Mensahe ng boyfriend ni Andrea Torres, “I’d just like to thank my fans, who brought again to my attention about somebody pretending to be me, saying that I’m looking for girls to hire for 150K, for a stag party.

“This have been happening for a year now and there’s to truth to it.

“So, I really appreciate those who have reached out to me inform about what’s been going on. Thanks, guys.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending