VIC aprub sa napiling DIREKTOR ni KRIS para sa kanilang MMFF ENTRY | Bandera

VIC aprub sa napiling DIREKTOR ni KRIS para sa kanilang MMFF ENTRY

Julie Bonifacio - August 23, 2013 - 03:47 PM

NAG-IKOT ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa iba’t ibang evacuation centers na grabeng sinalanta ng Habagat at bagyong Maring.

Kasama ni Kris na nagpakain sa evacuation centers ang kanyang mga ate na sina Pinky at Ballsy.
Unang  pinuntahan ni Kris ang Taguig City, sumunod ang Biñan, Laguna at huli ang Parañaque.

Mainit na lugaw at biskwit ang Ibinigay nina Kris sa mga kababayan nating nabiktima ng grabeng pagbaha. Sakto noong Miyerkules ay araw din ng kamatayan ng kanyang ama na si Benigno Aquino.

Maaga pa lang ay nasa Parañaque na si Kris and her siblings para sa misa sa harap ng libingan ni Ninoy sa Manila Memorial Park. From there, diretso na sila sa evacuation centers.

Sey ni Kris sa kanyang Kris Aquino.net, “For me the best way to honor my Mom & Dad’s memory is to reach out to more Filipinos in need.

Special thank you to @chefflorabel for the arroz caldo, Rain & Jane & Ate Mel from my staff for doing the buying in SM & Mercury & my Kris Tv staff for being so efficient especially @darlasauler & Ermie. Stay safe!”

Sosyal naman ng lugaw. Parang kumain na rin ang evecuees sa mamahaling Florable resto sa Podium, huh! They deserve naman kasi the best lalo na sa ganitong panahon at ‘di ‘yung mamimigay nga ng pagkain pero kung anik-anik lang ang lasa.

At least, si Kris knows niya kung gaano kaimportante na masarap ang binibigay na pagkain sa kapwa. Kinagabihan, diretso naman si Kris sa Meralco Theater para manood ng documusical tribute para kay Ninoy at yumao na ring ina niya na si President Cory Aquino.

Then, may backpack taping na si Kris for her morning show na Kris TV yesterday and today. At sa Sabado, pictorial naman ni Bimby for Bench.

( Photo credit to Google )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending