Rocco naiyak habang hinuhubad ang military uniform sa huling taping ng 'DOTS PH' | Bandera

Rocco naiyak habang hinuhubad ang military uniform sa huling taping ng ‘DOTS PH’

Ervin Santiago |September 13,2020
facebook
share this

Rocco naiyak habang hinuhubad ang military uniform sa huling taping ng ‘DOTS PH’

Ervin Santiago - September 13, 2020 - 09:35 AM

NAIYAK ang Kapuso actor na si Rocco Nacino nang hubarin na niya ang military uniform sa huling taping nila para sa “Descendants of the Sun”.

Ginagampanan ni Rocco sa Pinoy version ng nasabing hit Korean series ang sundalong si Diego Ramos at BFF ng isa ring military officer na si Big Boss played by Dingdong Dantes.

Ipinost ni Rocco sa Instagram ang litrato niya suot ang kanyang military uniform habang naka-Korean heart sign.

Aniya sa caption, “Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos.

“Mangiyak ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito,” lahad pa ng binata.

Pinasalamatan din niya ang kanyang karakter dahil napakarami niyang natutunan at matitinding challenge na hinarap sa pagganap dito.

Sa katunayan, dahil sa DOTS, nagdesisyon pa siyang magpa-enlist bilang isang Navy reservist.

“The tears weren’t for the last taping day, it was all for the blessings that came because of the show.

“Now we sit back and wait, sabik ako makita ang produkto ng pinaghirapan namin ng isang taon,” aniya pa.

Siyempre, nagpasalamat din siya sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng chance na maging bahagi ng “DOTS” cast pati na sa girlfriend niyang si Melissa Gohing na all-out din ang pagsuporta sa kanya mula nang magsimula ang serye.

Binanggit din niya sa kanyang mensahe ang South Korean actor na si Jin Goo, na siyang gumanap sa character niya sa Korean version. Pinasalamatan din niya ito, “for doing a damn good job as Wolf that got me to be part of this project.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe sinabi niyang, “This is Technical Sargeant Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished!”

Abangan ang nalalapit na pagbabalik ng “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad very, very soon. Bukod kina Rocco at Dingdong, kasama pa rin dito sina Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis, Andre Paras, Chariz Solomon at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending