Kris Bernal sa viral 'makeover' photo: Bawal akong umangal

Kris Bernal sa viral ‘makeover’ photo noon: Bawal akong umangal

Therese Arceo |January 24,2024
facebook
share this

Kris Bernal sa viral ‘makeover’ photo noon: Bawal akong umangal

Therese Arceo - January 24, 2024 - 11:40 AM

Kris Bernal sa viral 'makeover' photo noon: Bawal akong umangal

INAMIN ng aktres na si Kris Bernal na ang pinaka-drastic makeover na kanyang naranasan ay ang ginawang haircut sa kanya noong nasa “Starstruck” pa siya.

Sa katunanayan, ang naturang makeover look niya noong sumali siya sa season 4 ng naturang TV show na nangyari 16 years ago ay nag-viral kamakailan.

Kaya naman nang mag-guest si Kris nitong Martes sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay isa ito sa kanilang napag-usapan.

Bukod sa pagkaka-viral, marami ring naglabasang memes kung saan tampok ang kanyang “makeover” look.

“Nagulat nga po ako na nag-viral, actually gusto kong mag-react nung time na ‘yon kaya lang talagang very focused ako kay baby. Ayoko ko pang manggulo ng social media,” pagbabahagi ni Kris.

Chika pa niya, super excited siya noong una dahil iba raw ang naiisip niyang magiging resulta ng kanilang makeover.

Baka Bet Mo: Kris Bernal nakakalimutan na ang sarili dahil sa pagiging nanay: ‘I am broken…’

“Very excited ako noong una, kasi ever since long hair talaga ako, ayoko ng nagpapagupit. So akala ko iku-curl perm ako,” paggunita ni Kris sa pangyayari noon.

Ngunit ang inakala niyang makeover ang siya pa lang magpapaiyak sa kanya ng bongga dahil hindi siya sanay na magupitan nang mahaba.

“Nagulat ako sa lahat ng Starstruck contestants, sa akin ang pinaka-drastic talaga ang makeover,” sey pa ni Kris.

At dahil nga contestant siya noon ay mas pinili na lang niyang magkunwaring nagustuhan niya ang nangyari sa takot na matanggal at hindi matuloy ang pangarap na maging artista.

“Bilang ano… bawal akong umangal, baka maligwak ako kapag umangal ako. So talagang iyak ako, iniyak ko na lang talaga. Kunwari happy ako, ngumingiti-ngiti na lang ako, pero hindi ko talaga gusto ‘yung hair ko,” lahad ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “Wala akong magawa sa buhok ko. Walang magawa, hindi mo makulot, hindi mo malagyan ng hair extensions.”

May naging magandang bunga naman ito dahil si Kris ang nagwagi at itinanghal siya bilang Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero.

“Nanalo ako, at saka lagi nilang naaalala si Kris Bernal ‘yung contestant na may buntot ‘yung buhok (hawak sa kaniyang buhok)” proud na sabi niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending