Jinkee kay Pacman: God gave me you...21 years and counting! | Bandera

Jinkee kay Pacman: God gave me you…21 years and counting!

Ervin Santiago |September 13,2020
facebook
share this

Jinkee kay Pacman: God gave me you…21 years and counting!

Ervin Santiago - September 13, 2020 - 09:20 AM

“#SANA All!” Yan ang reaksyon ng ilang netizens sa paandar ni Jinkee Pacquiao sa nakaraang anniversary nila ni Sen. Manny Pacquiao.

May mga nangnega at nang-okray sa celebrity couple nang bumandera sa social media ang kanilang throwback wedding photo na mismong si Jinkee ang nag-post.

Pero marami rin naman ang nag-like at nagkomento ng positibo para sa mag-asawa. Pinusuan din ng mga netizens ang pagmamahal ni Jinkee kay Manny.

Anila, isang buhay na patunay sina Jinkee at Manny na hindi hadlang ang kahirapan at matitinding problema sa pagkakaroon ng maganda at bonggang-bonggang buhay.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng asawa ni Pacman na isa na ring celebrity vlogger ngayon, ang litrato nila ng senador noong ikasal sila 21 years ago.

“‘God gave me, you.’ 21 years and counting! Grabe, how time flies,” ani Jinkee sa caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok.

“At ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe. God is good all the time,” lahad pa ng misis ni Pacquiao.

Biro naman niya sa buhok ng senador noong ikasal sila, “Blond pa ang hair mo @mannypacquiao. ikaw murag si jimuel ako murag si queenie.” Na ang timutukoy ay ang dalawa sa kanilang mga anak.

Kung matatandaan naman, sa isang Instagram post ni Pacman, pinuri nito si Jinkee bilang asawa at ina at binati pa sa pagkakaroon ng sarili niyang make-up business.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am more than proud to see my wife @jinkeepacquiao have her own spotlight and be her best version, while contributing to the beauty story of every Filipina.

“Supportive wife, a loving mother, and now, the partner of every woman in unleashing the best version of themselves,” pahayag ng senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending