Ruffa ayaw nang magpakasal: OK naman ako mag-isa, with my kids and my dogs

Ervin Santiago |September 09,2020
share this

Ruffa ayaw nang magpakasal: OK naman ako mag-isa, with my kids and my dogs

Ervin Santiago | September 09,2020 - 09:22 AM

 

 

HINDI na kailangan pa ni Ruffa Gutierrez ng lalaki para mabuhay nang kuntento at maligaya.

Mas gugustuhin na lang niyang maging single for life kesa magkaroon ng karelasyon na magiging problema lang niya.

Ayon sa former beauty queen-actress, magiging kumpleto ang pagkababae at pagkatao niya kahit hindi na siya magka-boyfriend o magkaroon ng asawa.

“For me, okay naman ako mag-isa. Kaya ko naman mabuhay with my kids, with my dogs and my career. Buo ako sa sarili ko,” ang ipinagdiinan ni Ruffa sa panayam sa kanya ng “I Feel U”.

 

Aniya pa, “I need a man that will grow with me. I need a man that will make me feel happy. And if he doesn’t fulfill that need anymore, okay bye!

“Ayaw ko nga magpakasal ulit eh, kasi ‘di ba, you have to go through an annulment again.

 

“Tapos marami akong nakikitang marriages na parang they are just with their partners because for the kids, just to make it work,” lahad ng aktres.

 

Isa si Ruffa sa mga kilalang celebrities na hindi rin nakaligtas sa mga intriga at chika pagdating sa pakikipagrelasyon. Matindi rin ang mga pinagdaanan niya sa usaping lovelife.

 

Paano nga ba binago ng mga past experience niya ang pananaw niya sa pag-ibig? “Nagbago talaga. I am very different when it comes to my perception of love.

 

“A lot of my Bible study-mates are saying, ‘Ruffa, you have to get married again. We really pray for you na you’ll have a family again.’

 

“Guys, I’m okay. You don’t need to pray for me. I’m not lonely. I’m fine the way I am,” paliwanag ng aktres.

 

Dagdag pa niya, “To each his own. Minsan we like younger guys, we like older guys, we like being married. I think there’s no such thing as traditional love anymore. It’s up to you. That’s why they say love is love.”

 

Pero nilinaw naman niya na hindi pa naman talaga sarado ang puso niya sa love, “If the time comes that my partner will propose or I feel that it’s right and I feel that it will make me happy forever, kahit 70 pwede ako magpakasal. Why not?”

 

Kung matatandaan, ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas pero naghiwalay din noong 2007. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Lorin at Venice.

 

Napawalang-bisa ang kasal nila noong January, 2011 matapos ideklara ng korte na null and void ang naganap na wedding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending