'Gwapulis' na si Neil Perez mawawalan ng bahay: May demolition order na | Bandera

‘Gwapulis’ na si Neil Perez mawawalan ng bahay: May demolition order na

Reggee Bonoan - September 08, 2020 - 02:40 PM

NATATANDAAN n’yo pa ba ang police officer na si Neil Perez, na unang naging Mister International 2014?

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang Patrol Officer sa NAIA Terminal 3 Police Station sa Parañaque City at problemado ngayon dahil isa sa mga araw na ito ay mawawalan na sila ng tirahan kasama ang mga kapatid at senior citizen na ina.

Base sa panayam ni Neil sa isang broadsheet ay ipinagigiba na ang building na tirahan nila sa R-1 Vitas Housing Project sa Tondo, Manila ng DPWH.

Marami silang pamilyang nakatira sa Vitas housing project at binigyan ng 15 days pagkabigay sa kanila ng notice para lisanin ang lugar.

Kuwento ni Neil, “Grade 1 pa lang ako noon nandito na kami nakatira sa building na ito. Gusto ko silang tulungan (kapwa naninirahan) pero hindi ko alam kung ano ang tulong na magagawa ko para sa kanila. Ang daming magagandang memories ng family namin na nangyari sa building na iyan.”

Naikuwento rin ni Neil na dumalaw doon si 2018 Miss Universe Catriona Gray na nagtatag ng Young Focus sa lugar nila para tulungan ang mga bata roon.

“Pangarap ko talaga na magkaroon ng sariling bahay lalo na ngayon na may demolition order na mula sa Manila City Hall sa building na tinitirhan namin,” pahayag ni Neil

Nabanggit din ng police officer na sobra siyang nag-iingat din sa nature ng trabaho niya lalo’t marami nang mga pulis ang nagpositibo sa COVID-19.

“Mahirap dahil wala kaming alam kung ang mga nakakahalubilo namin ay carrier ng virus. Mahirap din iyong madalas na pagsusuot ng face mask at face shield.

“Minsan naka-PPE rin kami habang nasa duty. Ang init at uncomfortable ang ganu’ng ayos pero kailangan na masanay kami dahil mukhang matatagalan pa ang vaccine para sa COVID-19. Lagi naman akong may dalang disinfectant, sa bahay man o opisina,” kuwento pa niya.

“Mahirap na iwanan ang pagpupulis dahil dito ako nakilala bilang Gwapulis. Siguro minsan, lalabas pa rin ako sa mga modeling or movies pag may offer or kung hindi naman ako busy pero hindi ko siguro iiwan ang pagiging pulis,” paniniguro ni Neil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending