Lloyd kung nasaan ka man ngayon, nawa’y masaya ka na — Jun Cadena
“NAWA’Y maka-move on kami…”
Yan ang bahagi ng emosyonal na pamamaalam ni Jun “Khalid” Cadena sa kanyang anak na si Lloyd Cafe Cadena.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang pamilya Cadena pati na ang malalapit niyang kaibigan at tagasuporta na patay na ang sikat na YouTuber.
Sa kanyang sariling vlog sa YT, nagbigay ng emotional na mensahe ang tatay ni Lloyd na isang OFW sa Middle East.
Sumikat na rin si Jun sa social media dahil nakakasama rin siya sa mga vlogs ni Lloyd kapag nakakauwi siya ng Pilipinas.
Sa video niyang may titulong, “I lost my son Lloyd Cafe Cadena,” ibinahagi ni Mang Jun ang naging reaksyon niya nang malaman niyang patay na ang anak. Ang kapatid ni Lloyd na si Suzette ang nakausap niya tungkol dito.
“She told me, ‘Papa, wala na si Lloyd.’ Parang nawalan ako ng lakas nu’ng sinabi ng anak ko sa Dubai, ‘Papa wala na si Lloyd.’ Nagulat ako na hindi ko maintindihan.
“Maybe two to three minutes or more, tulala ako. Napakasakit. Ang hirap tanggapin. Ang hirap tanggapin ng isang ama na mawalan ka ng anak. Sobrang hirap.
“Ginapang namin sila ng kanilang ina mula pa sila sa hirap. Kahit paano nakakain sila ng tatlong beses sa isang araw.
“Di bale kaming magulang na hindi kumakain para lang sa mga anak. Ako sanay na ako sa walang kain kain, makita ko lang mga anak ko na hindi nagugutom,” ang pahayag ng ama ni Lloyd.
Mensahe pa niya sa pumanaw na anak, “Lloyd kung nasaan ka man ngayon, nawa’y masaya ka na. Nawa’y gabayan mo kami ng iyong mama at mga kapatid na makayanan namin ang mga pagsubok sa buhay. Nawa’y maka-move on kami.”
Parehong OFW ang parents ni Lloyd at pareho na ring may YouTube channel. Sikat na rin ang nanay niya na mas kilala sa mundo ng pagba-vlog bilang “Mother Kween.”
Kahapon, naglabas ng official statement ang pamilya Cadena tungkol sa ikinamatay ni Lloyd at dito nga nila kinumpirma na tinamaan ng COVID ang vlogger.
“There are simply no words to express our heartfelt thanks for the prayers and sympathy you have extended to our family during this time of loss.
“Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough. He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3.
“As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints. On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking.
“As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep. He was cremated yesterday and his remains is in our house in Cavite in the meantime.
“All expressions of sympathy, including flowers and cards are welcome. You may send them to our address at #14 Scarah, Kaingin Rd., Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.
“—Cadena Family.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.