Korina Sanchez binansagang ‘Bruha Slayer’
“BRUHA SLAYER!”
Yan ang tawag ilang netizens ngayon sa veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez.
Bukod sa taguring Patola Queen dahil nga sa walang patumangga niyang pagsupalpal at pagbasag sa mga bashers, binansagan na rin ang award-winning TV host ng “bruha-slayer.”
Isa si Korina sa mga matatapang na Kapamilya celebrities na nagpapahayag ng kanyang saloobin sa lahat ng mga kumakalaban at nambabagsak sa ABS-CBN.
Sa pagpatol niya sa mga trolls at haters, ilan sa mga ito ang tinawag niyang “bruha” at kung anu-ano pang masasakit na salita.
Tulad na lang ng ipagtanggol niya sina Kim Chiu at Coco Martin sa mga bashers noong kasagsagan ng issue sa franchise renewal ng ABS-CBN.
May follower si Korina ang bumatikos kay Kim dahil sa kanyang “classroom law” analogy at “bawal lumabas” statement.
Sabi niya kay Korina, “Sana po mag aral na si kim chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”
Isang thumbs down emoji ang isinagot ni Korina rito sabay sabing, “Wag kang BRUHA.”
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng kanyang throwback photo ang misis ng dating senador na si Mar Roxas.
Kuha ito sa reception ng bonggang-bonggang kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na ginanap sa Paris, France, noong Sept. 3, 2017.
Aniya sa caption, “Throwback Thursday. Remember this?”
Sunud-sunod ang positibong komento ng kanyang mga followers sa nasabing litrato pero may isang netizen ang nakaagaw ng atensiyon ni Korina.
Comment ng nasabing IG user, “Presenting the Bruha- slayer. pak na pak ang ganda.”
Sinagot naman ito ni Korina ng, “Hahahahahaha parang kontrabida?”
Hirit pa ng netizen, “Syempre bida ng ko[n]trabida.”
Kung matatandaan, binarag din ng broadcast journalist ang netizen na nag-comment ng “press freedom? Pero nakakapagbalita” sa pagpapasara sa ABS-CBN.
“Idiot ka pala eh. Sinarado nga nang walang dahilan ang network diba. Kaya nagbabalita sa ibang plataporma. Pero bakit ba kita sinasagot eh 88 followers na lang. magsarado ka na sis ng tindahan. WALANG BUMIBILI,” hirit ni Korina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.