9 pang Pilipino sa abroad, gumaling sa COVID-19 | Bandera

9 pang Pilipino sa abroad, gumaling sa COVID-19

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 05, 2020 - 06:30 PM

Larawan mula sa Department of Foreign Affairs

Nasa tatlo ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 5, umakyat na sa 10,116 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,074 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Siyam naman ang bagong gumaling kung kaya 6,284 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, isa ang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, 758 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino na nasa abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,975 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,168 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 798 naman ang kaso sa Americas at 1,175 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pilipino sa ibang bansa at handang umasiste sa mga kababayan na apektado ng COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending