Employment rate tataas pa, ayon sa DOLE
Tiwala ang Department of Labor and Employment na sa mga darating na buwan ay mas madadagdagan ang mga Filipino na magkakaroon ng trabaho.
Base sa inilabas na pahayag ng kagawaran, ang pagluwag sa quarantine restrictions ang dahilan kayat nabuksan ang 7.5 milyon trabaho at 4.9 milyon manggagawa naman ang nagbalik trabaho base sa July Labor Force Survey.
Inaasahan na magkakaroon pa ng mga positibong pagbabago bunsod nang pagpapatupad ng “Prevent, Detect, Isolate, Treat and Recover” strategy ng gobyerno sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Gayundin madadagdagan ang bibiyaheng pampublikong transportasyon at maraming negosyo ang muling magbabalik operasyon.
Kasabay pa nito ang pagpapatupad ng RECHARGE PH, ang recovery plan ng gobyerno para muling mapasigla ang komersiyo at ekonomiya sa mas ligtas na pamamaraan.
Pagaganahin din ng husto ang employment facilitation services, online, digital o face-face, sa pakikipagtulungan sa mga Public Employment Service Offices, pribadong sektor at iba pang kinauukulang ahensiya.
Inihayag din ng DOLE na magpapatuloy din ang mga social protection programs sa mga apektadong manggagawa sa pagsasabatas ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.