Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.6 na lindol
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 03, 2020 - 01:58 PM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 30 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Guiuan, alas-9:32 umaga ng Huwebes (September 3).
May lalim na 41 kilometers at tectonic ang origin nito.
Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Palo, Leyte.
Walang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending