DJ Chacha: Puro kayo fake news, gawa na lang kayo avatar para busy kayo mga teh!
UNTIL now ay bina-bash pa rin ang mga Kapamilya artists.
Sila na nga ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang network pero walang habas pa rin silang bina-bash sa social media.
Isa sa matapang-tapang na pumapatol sa mga bashers at trolls ay si DJ Chacha na hindi napigilan ang sarili at sinagot ang mga bashers at trolls na nagkakalat ng mga fake news sa social media.
“Hello bashers. FYI, may financial assistance pong matatanggap ang lahat ng MOR DJs/Staff na wala na sa ABS-CBN.
“Dami niyo na naman hanash, puro kayo fake news. Gawa na lang kayo avatar para may pagka-busyhan mga teh! Pasabe hindi bragging ito. Pagsasabi lamang ng katotohanan.
“Dami nila hanash masyado sila tutok sa ABS-CBN, PHILHEALTH naman mga tikom bibig! Nyareeee,” say ni DJ Chacha.
Oo nga naman. Bakit ba pinagpipiyestahan ang mga nawalan ng trabaho sa network. Bakit hindi sila magngangawngaw sa mga nangyayaring katiwalian sa gobyerno. Ang dami nilang hanash laban sa ABS-CBN, eh, mas maraming ganap sa government ngayon na hindi kagandahan.
Naku, itong mga bayad na trolls na ito ay hindi na nahiya. Wala naman silang magawang mabuti. Nakakahiya na ang perang ginugugol nila para sa kanilang pamilya ay nanggaling sa panglalait at pamba-bash nila.
Many were sad sa pagsasara kamakailan lang ng ABS-CBN Tulong Center, na ilang taon nang nagbibigay ng libreng serbisyong lwgal at medikal sa mga nangangailangan.
Sa opisyal na pahayag na ibinahagi nito sa Facebook, sinabi ng grupo sa ilalim ng ABS-CBN Integrated Public Service na hindi na sila makapagpapatuloy sa pagseserbisyo matapos hindi bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya network.
“Nais po sana naming patuloy na makapaglingkod sa inyo, subalit ikinalulungkot po naming ipaalam na dahil sa hindi pagkakaloob ng prangkisa sa ABS-CBN, ang aming Tulong Center, kabilang ang aming online na serbisyo, ay tuluyan nang magsasara simula August 1, 2020.”
‘Yan ang nakasaad sa statement.
Lubos na naapektuhan ang mga programang public service ng ABS-CBN tulad ng Tulong Center, na nagsilbing takbuhan ng mga may sakit na bata at matanda, mga magulang at manggagawang may katanungan sa batas, at maging ng isang overseas Filipino worker na nailigtas mula sa kanyang abusadong amo sa Middle East.
About 55,000 Pilipino na ang natulungan ng Tulong Center since 2014.
Maging ang ABS-CBN Foundation ay apektado rin. Habang magpapatuloy ang Sagip Kapamilya, Bantay Bata 163, at Bantay Kalikasan, may mga limitasyon na ang kanilang mabibigay na serbisyo.
Tulad na lang ng Bantay Bata 163, na mawawalan ng opisina sa mga probinsya dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Regional this month.
Aside from this, nawala rin sa mga Pilipino ng iba-ibang programa sa ABS-CBN current affairs na direktang nakatutulong sa kanilang pamumuhay like “Salamat Dok!” which gives free checkup sa publiko; “My Puhunan” na nagtuturo ng mga mapagkakakitaan sa proyekto nitong Kabuhayan Caravan; “SOCO” na nagdaraos ng crime prevention seminar sa mga paaralan at komunidad; at “Mission Possible” na naghahanap at nagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong tinatampok nito sa programa.
Gayunpaman, hindi tumitigil sa paglilingkod ang ABS-CBN sa publiko sa patuloy na paglaban ng bansa sa pandemya.
“Karangalan natin na pagkatiwalaan tayo ng publiko whether individual or mga institutional donors. Ipinagkakatiwala nila sa atin itong kanilang mga donations. Nandu’n ‘yung trust nila na makakarating ito doon sa mga nangangailangan,” ani ABS-CBN Integrated Public Service head Jun Dungo, ang pinuno ng ABS-CBN Integrated Public Service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.