COVID-19 cases sa Pilipinas, 213,131 na | Bandera

COVID-19 cases sa Pilipinas, 213,131 na

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 29, 2020 - 05:12 PM

fumigation fight covid-19 caloocan city

Nagsasagawa ng fumigation ang isang tauhan ng Caloocan City Hall para labanan ang Covid-19. (Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Oscar Malapitan)

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (Agosto 29), umabot na sa 213,131 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 74,611 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,637 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot sa 91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 102 out of 110 licensed laboratories.

Nasa 94 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,419 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 655 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 135,101 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending