Cabangan, Zambales niyanig ng lindol
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - Bandera August 29, 2020 - 01:16 PM
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Zambales, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong anim na kilometro hilagang-silangan ng Cabangan ganap na 11:15 ng umaga.
May lalim itong 29 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol na tumama sa kalupaan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending