Hindi kukulangin sa 440 pribadong iskwelahan sa buong bansa ang magsasara dahil sa pagbaba ng mga estudyanteng nagpapatala ngayong school year dulot ng pandemya, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd)
Hanggang nitong Agosto 24, naitala ng DepEd ang mga sumusunod na eskwelahang hindi magbubukas sa 2020-2021 na pasukan:
- 88 mula sa kabuuang 1,731 sa Central Luzon
- 67 mula sa 3,032 eskwelahan sa Calabarzon
- 54 mula sa 2,391 eskwelahan sa Metro Manila
- 48 mula sa 1,138 sa Western Visayas
- 34 mula sa 499 sa Central Visayas
- 23 mula sa 600 sa Zamboanga Peninsula
- 21 mula sa 584 sa Ilocos Region
- 20 mula sa 427 sa Cagayan Valley
- 19 mula sa 989 sa Central Visayas
- 18 mula sa 322 sa Mimaropa
- 17 mula sa 325 sa Ilocos
- 11 mula sa 655 sa Northern Mindanao
- 10 mula sa 277 sa Cordillera Administrative Region
- 6 mula sa 300 sa Caraga Region
- 2 mula sa 637 sa Bicol
- 2 mula sa 300 sa Eastern Visayas
Hindi pa kabilang sa datos na ito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na magsusumite pa lamang ng report sa estado ng mga eskwelahan sa rehiyon.
May kabuuang 14,435 na mga pribadong paaralanang may regular na operasyon sa buong bansa noong nakaraang school year.
Isinisi ni Education Undersecretary Jesus Mateo ang di pagbubukas ng mga paaralan sa mababang enrollment rate at mataas na halaga ng operasyon sa sistemang blended learning.
Karlos Bautisa, Bandera; mula sa ulat ng Philippine Daily Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.