Shaira Diaz nandiri kay EA Guzman: Malay ko ba kung anong amoy ng kili-kili niya!? | Bandera

Shaira Diaz nandiri kay EA Guzman: Malay ko ba kung anong amoy ng kili-kili niya!?

Ervin Santiago |August 28,2020
facebook
share this

Shaira Diaz nandiri kay EA Guzman: Malay ko ba kung anong amoy ng kili-kili niya!?

Ervin Santiago - August 28, 2020 - 09:35 AM

NANDIRI pala ang Kapuso young actress na si Shaira Diaz kay EA Guzman noong hindi pa sila magdyowa.

Inamin ng dalaga na hindi nagsimula sa love at first sight ang kanilang relasyon, at pareho nilang hindi type dati ang isa’t isa.
Sa latest vlog ng actor-singer-dancer naikuwento niya na una silang nagkakilala ni Shaira noong contestant pa lang ito sa isang reality show.
Guest daw siya sa nasabing programa, “Nag-rehearsal kami. So wala, deadma lang ako. Ako naman, kasi every time na bababa ako ng kotse, magpapabango ako.

“Tapos, after rehearsal, uwi. Wala, deadma, wala akong naramdaman na kahit ano na gusto ko siya, na nagagandahan ako sa kanya,” simulang chika ng binata.

Dito na nga ipinaliwanag ni Shaira kung bakit nandiri siya noon kay EA, “’Yung rehearsal kasi sa G-Force, eh kasi pagkita ko sa kaniya, nakasando lang siya, ‘yung hanggang dito, ‘yung hanggang sa kili-kili.

“So, siyempre, dahil nakasando nga, kita ‘yung buhok sa kili-kili, ‘di ba? So sabi ko, ‘Ano ba yan?’ Sasayaw kami, siyempre hindi naman maiiwasan na mapawisan.

“So, nandoon pa lang, medyo nandiri ako kasi siyempre may mga yakap-yakap tapos pawis siya. Malay ko ba kung ano ‘yung amoy noong kili-kili niya no’n,” tawa nang tawang chika ng aktres.

Hirit pa ng dalaga, “Kaya ayoko siya noon. Pero ano naman, naligo sa pabango. ‘Yun ‘yung isa kong iko-commend sa kaniya na kahit rehearsal, nakalabas man ‘yung kili-kili, mabango naman.”

Singit naman ni EA, “After that, first time niya mag-Top 1. Sobrang saya niya. After the performance, sa backstage, ito na si ate girl. Baba ako, balik ako sa stand-by area, yakap siya. ‘Thank you,’ gumanu’n.”

“So ako, siyempre ako bilang lalaki, sabi ko, ‘Hala, sobrang aggressive naman nito. Kasi para sa akin, puwede namang sabihing ‘thank you’ lang. Nasa isip ko, ‘Baka may gusto siya sa akin,’” sey ni EA.

Hanggang muli silang nagkita sa isang mall show and the rest as they say, is history.

Na-gets daw ni EA ang number ni Shaira sa best friend nito at nagkaligawan na nga. Sinagot ni Shaira ang aktor nang magbakasyon sila sa Quantico, Virginia, US, kasama ang pamilya ni Shaira.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dapat sasagutin ko siya, through sa sand, buhangin sa beach, kaya lang gabi na. Tinray ko magsulat ng ‘Yes’ na malaki, kaso hindi kita,” chika pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending