Emergency powers at mga riders sa Bayanihan 2 | Bandera

Emergency powers at mga riders sa Bayanihan 2

Atty. Rudolf Philip Jurado - August 27, 2020 - 12:43 PM

Nagkasundo na ang Senado at Kamara (House of Representatives) sa bicameral meeting tungkol sa magkakaibang mga provisions sa Bayanihan to Recover As One Act o mas kakilala sa tawag na Bayanihan Law 2. Inaasahan na ito ay lalagdaan ng Pangulo sa mga susunod na araw upang ito ay maging ganap na batas.

Katulad ng naunang Bayanihan Law na kusang nawalan ng bisa noong June 5, 2020 ng mag-adjourned ang Kongreso, ang Bayanihan 2 ay isa din emergency powers na pinagkaloob ng Kongreso sa Pangulo alinsunod sa Section 23 (2), Article VI ng Constitution.

Walang duda na dahil sa patuloy na nagaganap na COVID-19 crisis, na tila hindi masolusyonan ng gobyerno at ng mga namumuno,maaaaring bigyan ng Kongreso ang Pangulo, sa pamamagitan ng isang batas, ng authority na gumamit ng kapangyarihan para isagawa ang mga idineklarang national policy. At ito ay sa pangkalahatan, upang labanan, sugpuin at pigilan ang COVID-19 crisis at ang epekto nito sa ekonomiya.

Kung babasahing mabuti ang napipintong Bayanihan Law 2, may mga kapangyarihan na pinagkaloob sa Pangulo na walang koneksyon para maisagawa at maisakatuparan ang declared national policy na labanan ang nagaganap na COVID-19 crisis at epekto nito sa ekonomiya.

Isa na dito ay ang pansamantalang pagsuspinde sa loob ng tatlong taon sa pagkuha ng national o local permit at clearance sa pagpapatayo, paglagay, pagpaayos, operation at maintenance ng mga telecommunication at internet infrastructure. Ito ay hindi konektado sa paglaban at pagpugsa sa nagaganap na crisis. Wala din ito sa declared national policy na itinakda ng Bayanihan 2. Ito ay matuturing isang unconstitutional hindi lang dahil ito ay hindi konektado sa declared national policy, ito din ay isang rider na pinagbabawal sa Article VI, Section 26 (1).

Ganoon din ang pagbibigay ng halagang 1 Billion pesos para gamitin sa pagpapatayo ng mga infrastructure na konektado sa turismo. Ito din ay walang koneksyon sa declared national policy at maituturing na rider at unconstitutional. Ganito din ang sitwasyon sa pagbigay ng subsidies sa halagang 100 million pesos, para sa training ng mga tourist guides, 2.5 million pesos sa Philippine Regulation Commission para sa computer-based licensure examination at pagbibigay ng allowances sa mga pambansang atleta at coaches sa halagang 180 million pesos. Ang mga ito ay walang lugar sa Bayanihan 2. Ito ay maituturing mga riders na pinagbabawal ng Article VI, Section 26 (1) ng Constitution.

Ang pag repeal o pagpapawalang bisa ng batas (Section 127 (b) National Internal Revenue Code) tungkol sa pagpataw at pagsingil ng taxes sa sale, barter o exchange ng shares of stock na listed at traded sa Initial Public Offering sa pamamagitan ng Bayanihan 2 ay malinaw din na paglabag sa Constitution Ano ang koneksyon nito sa kasalukuyang crisis? Ito ay isang rider na isiningit sa Bayanihan 2. Dahil sa provision na ito na siningit sa Bayanihan 2, wala ng babayaran taxes ang mga issuing corporations sa primary offering at mga sellers sa secondary offering.

Kung may bagay na patungkol sa taxes na dapat isinama sa Bayanihan 2, ito ay ang pagbigay ng tax exemption sa donor’s tax. Gaya ng Bayanihan Law 1, wala din binigay na tax exemption sa donor’ tax ang Bayanihan 2. Sana ito ang nilagay sa Bayanihan 2 para mainganyo ang mga tao para mag donate ng pera o bagay na konektado sa crisis. Dahil sa ngayon, ang lahat ng donations na hindi hihigit sa 250 thousand pesos ay tax exempt at ang higit dito na konektado sa kasalukuyang crisis ay maaari lamang ibawas sa taxable income at hindi sa tax due.

Malinaw na din sa Bayanihan 2 ang issue tungkol sa grace period ng mga renta o upa. Ito ay applicable sa residential at commercial. Sa naunang Bayanihan Law, klaro na ito ay applicable lamang sa residential ngunit pinalawak ito ng Department of Trade and Industry (DTI) at naisama and commercial rent. Ang aksyon ng DTI ay hindi naaayon sa batas dahil ito ay kontra at salungat sa Bayanihan Law 1.

Bagamat maliit lang ang pondo na inilaan sa Bayanihan 2 at ito ay isang “band-aid solution” sa nagaganap na crisis, marami na din itong matutulungan, lalo pa kung magiging masigasig at tapat ang mga namumuno sa pag implement nito. Ang mga pinagkatiwalaan na humawak ng pondo para dito ay dapat mag account at managot sa taong bayan. Ang pagnanakaw ng pera na nakalaan para matulungan at maibsan ang paghihirap ng tao dala ng crisis ay isang walang kapatawarang kasalanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending