Jose Mari Chan bida na naman sa ‘Ber months’ meme: Malapit na ako LUMABAS, kayo hindi pa!
“WHENEVER I see girls and boys selling lanterns on the street…
“I remember the child in the manger as he sleeps
“Wherever there are people giving gifts, exchanging cards
“I believe that Christmas is truly in their hearts.”
Sounds familiar, ba mga ka-BANDERA? Well, kailangan pa bang i-memorize yan?
Yes, ilang araw na lang ay “ber” months na ulit at hudyat na naman yan ng pagsisimula ng Christmas season sa Pilipinas.
At dahil diyan, nagpaparamdam na ngayon pa lang sa social media ang isa sa Pinoy Christmas icon na si Jose Mari Chan, na kumanta nga ng walang kamatayang “Christmas In Our Hearts.”
Aliw na aliw ang madlang pipol sa mga naglalabasan ngayong memes ni Jose Mari Chan na naging bahagi na talaga ng pagdiriwang ng Paskong Pinoy dahil sa kanyang mga hit Christmas songs.
Ayon sa OPM legend, aware naman daw siya sa mga memes niya sa social media at ikinatutuwa raw niya ito nang bonggang-bongga.
“I’m flattered. I’m complemented and I feel rewarded that after 30 years, the song that I wrote ‘Christmas In Our Hearts’ is still loved and sung by people year after year. It’s a gratifying feeling,” aniya sa panayam ng GMA.
Sabi pa niya, “They are using the same picture. So in a sense, in those memes I’m forever young.”
Humirit pa nga ang award-winning veteran singer sa mga gumagawa ng memes niya dahil parang may kulang daw sa mga naglalabasang litrato niya ngayong panahon ng pandemya.
“Actually, the latest meme that came out hindi ako naka-mask. Baka hulihin ako ng authorities,” biro ni JMC.
Narito ang ilan sa mga patok na patok na memes ngayon ni JMC sa Twitter mula sa mga netizens.
“Malapit na ako LUMABAS, kayo hindi pa!”
“ECQ, GCQ, MECQ. Ano susunod?
Eh di PASQ…Kakanta na ba AQ? — Jose Mari Chan!”
“Whenever I see girls and boys wearing face masks on the street…”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.