Dating child star Xyriel Manabat dalaga na; Elha Nympha super in love sa edad na 16
SA edad na 16 ay may boyfriend na pala ang The Voice Kids season 2 grand winner na si Elha Mae Nympha.
Kung hindi pa ipinost ng singer-actor na si Brian Gazmen ang larawan ng dalagita ay hindi pa malalaman ng publiko na magkarelasyon sila.
Pero may patikim na rin naman ang dalagita dahil sa post niya sa Instagram suot ang t-shirt ng kanyang boyfriend na may caption na, “Used my man’s shirt UGGHHH.”
Sinagot naman ito ni Brian ng, “Awwwwww I love you so much baby. You are the best.”
Marami naman ang kinilig sa post ni Brian sa kanyang IG account ng solong larawan ni Elha, at isa pang litrato nilang pinagtabi at video call na tila nakatulog na ang dalagita.
Ang caption ni Brian dito, “Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend.
“I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person. Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, ok Lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile. you are amazing baby.
“You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby. I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile.”
Edad 20 na si Brian na sinubukang pasukin ang mundo ng musika dalawang taon na ang nakararaan under Star Music.
Mukhang okay naman ang LDR o long distance relationship nina Brian at Elha dahil sa pagkakaalam namin ay nasa Bikol ang binata at ang dalaga naman ay nandito sa Maynila.
Kilala namin nang personal ang magulang ni Brian na kilalang pulitiko sa kanilang bayan sa Bikol.
* * *
Isa pang dalagita na rin ngayon ay ang dating child star na si Xyriel Manabat.
Ilan sa mga seryeng pinagbidahan niya noon ay ang Agua Bendita, Noah at 100 Days To Heaven.
Nagsimula ang career sa showbiz ng bagets (16 year-old na ngayon) noong sumali siya sa reality talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd runner-up.
Sa kanyang IG account, makikita ang mga litrato ni Xyriel na dalagang-dalaga na dahil sa mga suot niyang OOTD.
Base sa comments ng netizens, napakabilis daw talaga ng panahon dahil ang mga batang pinapanood nila sa TV at pelikula ay malalaki na ngayon.
Biglang nawala sa eksena si Xyriel dahil nag-aral muna siya at kamakailan at natapos na niya ang high school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.