John Lloyd, Wilma nag-reunion sa beach: Sa laki ng lugar nakapag-social distancing kami nang bongga | Bandera

John Lloyd, Wilma nag-reunion sa beach: Sa laki ng lugar nakapag-social distancing kami nang bongga

Ervin Santiago - August 26, 2020 - 09:24 AM

BAGO pa man manega at ma-bash ng netizens, nagpaliwanag na si Wilma Doesnt sa pagbi-beach ng kanyang pamilya kasama si John Lloyd Cruz.

Ibinandera ng model-comedienne sa social media ang pagkikita at pagba-bonding nila ni Lloydie sa isang private resort sa Batangas recently.

Sa kanyang Facebook account, ilang litrato ang ipinost ni Wilma kung saan makikita ang aktor at ilan pa nilang kasama na nagkakatuwaan sa beach.

Kung hindi kami nagkakamali, ka-join din nila roon ang actor-director na si Earl Ignacio base sa nakita naming mga photo.

Ani Wilma, ito raw ang muling pagkikita nila ni John Lloyd after 21 years kaya naman sinulit na nila ang kanilang “reunion” nang bonggang-bongga.

“‘Yung kaibigan mo na huli mong nakita nung 16 years old pa lang siya. Tapos nung nagkita kayo, ito ang usapan ninyo:

“Me: Aba, toy, buhay ka pa! (Gulat, nabigla, buti hindi tumaas ang dugo at na-stroke sa kaligayahan!)

“Lloydie: Ikaw nga si ate Wilma.

“Me: Tuli ka na, toy?

“Lloydie: Opo, ate.”

Chika pa ni Wilma, si John Lloyd daw mismo ang nag-invite sa family niya na mag-swimming.

“Lloydie: Sama ka sa beach. Sama mo mga kids mo?!

“Me: Let’s go. Sama kami. (Tatanggi ka ba eh ang guwapo ng kaharap mo)

“Sa taranta nakalimutang magdala ng pang-kilay! (Ang ganda!)

“Ayun na… doon na nagsimula ang maraming maraming kwentuhan. (Don’t worry ‘di namin pinag-usapan mga girls.) Sa huli isa lang ang nasabi ko.

“Me: Toy, always remember you cannot put a good man down… Gawa tayo pelikula!

“Lloydie: Ingat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ng komedyana, huwag daw mag-alala ang publiko dahil kinunan ang mga litrato nila sa isang private resort sa Tali Beach sa Nasugbu, Batangas.

“It’s a private resort. Kami lang ang tao. Sa laki ng lugar nakapag-social distancing kami nang bongga,” paliwanag niya sa mga magtatanong kung sumunod ba sila sa health protocols nang magtungo sila sa nasabing resort.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending