Pagpapakasal uli ni Mariel kay Robin napurnada: Pangarap yan ng bawat babae, kaya lang…
HINDI pala kumpleto ang kaligayahan ni Mariel Rodriguez sa pagse-celebrate nila ni Robin Padilla ng kanilang 10th wedding anniversary.
Diretsahang sinabi ng TV host na may iba pala silang bonggang plano ni Robin Padilla para ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo nila bilang mag-asawa.
Sa bagong video na ipinost niya sa kanyang vlog bilang bahagi ng pagdiriwang sa isang dekadang pagmamahalan nila ni Robin, inilabas ni Mariel ang saloobin sa napurnada nilang plano.
“I’m a little sad when I think about it because I had so many things in my mind planned for this anniversary. Actually, in my head for a while, the plan was a renewal of vows,” pahayag ng misis ni Binoe.
Meron na raw siyang plano para sa pagpapakasal uli nilang mag-asawa — mula sa designer na gagawa ng wedding gown niya at sa magiging venue ng kasal hanggang sa mga pagkaing ise-serve sa reception.
Subalit bigla ngang dumating sa buhay nila ni Robin ang second daughter nilang si Gabriela.
“Like I mentioned before, Gabriela is really a surprise. I had no idea that she was coming.
“In my head we were gonna have this grand, parang wedding because I didn’t get to experience that.
“I didn’t get to wear a white gown, walk down the aisle and have my family there with me and his family there with him,” paglalahad pa ni Mariel.
Inamin din niya na talagang dream niya ang magkaroon ng grand wedding tulad ng ibang mga babaeng nag-aasawa.
“Iba rin ‘yung feeling na magawa mo ‘yun, ‘di ba? Pangarap ‘yun ng bawat babae and I was really looking forward to that.
“Kaya lang, nabuntis nga ako. Eh alam ko na ‘pag nagbuntis ako, after ko mag-give birth alam ko na tataba ako.
“Kaya alam ko na hindi siya matutuloy kasi gusto ko naman na super ganda ako, at my best ako kapag renewal of vows, ‘di ba?” aniya pa.
Sa isang bahagi ng video, naikuwento rin ni Mariel na sa halip na renewal of vows, balak na lang nila ni Robin na magta-travel kasama ang mga anak.
Pero hindi rin ito natuloy dahil naman sa COVID-19 pandemic. Kaya naman malalim talaga ang hugot ni Mariel sa isyung ito.
Ikinasal sina Robin at Mariel sa isang private ceremony sa Taj Mahal noong Aug. 19, 2010 at biniyayaan nga ng dalawang anak, sina Isabella at Gabriela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.