Kathryn nalasing, tumalon sa swimming pool na nakapangtulog; ano kayang ginawa ni Daniel?
REBELASYON ang kuwento ni Kathryn Bernardo sa kanyang bagong vlog sa YouTube tungkol sa nangyari sa kanya nang malasing sa El Nido.
Naisipan ng Box-office Queen na makipag-virtual chikahan sa best friend niyang si Arisse de Santos na naka-base na ngayon sa Melbourne, Australia.
Anim na taon na silang magkaibigan kaya sa latest vlog ni Kathryn ay naisipan nilang balikan ang masasayang paglalakwatsa nila together kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Ayon kay Kathryn, sa six years ng kanilang friendship masasabing kilalang-kilala na nila ang isa’t isa at naniniwala siya na ang dalawa sa sikreto ng friendship nila ay compromise at trust.
“Ang hirap kaya ng LDR kasi dati si Arisse parati kaming magkasama sa lahat. As in nails, events, or ‘pag dito sa bahay kapag magpapa-hair kami, as in lahat. So ang weird na wala siya ngayon,” kuwento ni Kathryn.
Habang umiinom sila ng wine, binalikan ng mag-BFF ang ilang masasaya at hindi nila malilimutang kulitan moments sa pamamagitan ng mga litrato nila together.
At isa na nga riyan ang isang litrato na kuha sa El Nido kung saan pareho silang nalasing sa wine.
“The story behind this, kaya naging place natin ang El Nido, kasi bininyagan natin,” ani habang tawa nang tawa.
Chika naman ni Kath, “Nagsimula ‘yan sa wine. Kasama nito sina Ate Nina, si Khalil, DJ (Daniel Padilla), Arisse, ako. Lima kami. And then nu’ng gabi na, after dinner, sabi namin, tara wine tayo.
“Tapos nag-order, nag-order. Parang naka-three bottles ata kami nu’n. Tapos sobrang lakas. Tapos kami lang umiinom nu’n ni Arisse kaya bumagsak.
“Tapos wala si DJ nu’n. Bumalik siya du’n sa room. Tapos nag-end na ‘yung night na ‘yun tapos naka-pajamas na kami ni Arisse tapos tumalon kami sa swimming pool.
“As in hindi ko alam kung bakit kami tumalon. Nu’ng tumalon kami, the next day kaya pala gulat na gulat sina Ate na mga nandu’n sa El Nido tapos tumatawa sila. Siguro sabi nila ‘Ah ‘yun ‘yung dalawang lasing nu’ng gabi,” bumubungisngis pang kuwento ni Kath.
Nu’ng makita raw ni Daniel ang nangyari, “Tumalon kami naka-pajama tapos si DJ kita ko, tumatakbo ganyan. Galit na galit. Tapos kinuha ako ganyan. ‘Ano ba naman ganyan, ganyan’.
“Kasi si DJ, ayaw niya kapag nalalasing kami ni Arisse. Okay lang sa kanya uminom kami ni Arisse pero kapag kasi kami ni Arisse magkasama, parating lasing, parating hindi normal. Parati kaming sumosobra,” pag-alala pa ng aktres.
“Ang justification namin natin diyan is bihira lang tayo makapagsama or like mag-relax. So the time na magkasama tayo, we go all out.
“Kasi nga busy ako, so minsan-minsan lang ‘yun. So ‘yung minsan-minsan, make it worth it. For me, the secret talaga is balance, yes compromise,” lahad pa ni Kathryn.
Marami namang naaliw sa mga bagong revelation ng dalaga tungkol sa kanyang personal life kasabay ng paghanga sa kanyang pagiging totoong tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.