Hashtag Nikko sa bashers: Nakadapa na pero nginungudngod mo pa ko…inano kita?
SA halip na suportahan si Nikko Natividad matapos mabiktima sa investment scam sa halagang P4 million ay marami pa ang tila nangmaliit sa kanya.
Ang tanong kasi ng ilang netizens ay kung totoong may ganu’n siyang kalaking halaga?
Hindi ito pinalampas ni Nikko at sinagot ang mga hindi naniniwala sa kanya.
Sabi ng Hashtag member, “Nakadapa na ‘yung tao. Pero nginungudngud mu pako. Inano kita?
“Pag ang artista hindi naka-ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo ‘SAN GALING?’
“Sa mga nagtataka pa, para isahan nalang. Gumigising ako madaling araw para mag UKG tapos deretcho It’s Showtime tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako.
“Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita.
“Sinusuyod ko mga fiesta mall show b-day sa buong Pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako Grahams sa ABS at sa labas, Bedsheet, sandals at YouTube.
“Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sa inyo. Tama na kalma nako. Pasensya na kayo. Hirap kasi nakadapa nako nginungudngud pako,” hirit pa ni Nikko.
Walang nakakaalam na na-scam ang aktor ng apat na milyon kung hindi pa naibalita ng TV Patrol na nahuli sa buy bust operation ang suspek sa scam ay hindi pa niya isasapubliko ang nangyari sa kanya.
Ayon kay Nikko kaya niya ni-repost ang news clip ng TV Patrol ay para maging babala sa iba na kaagad naniniwala sa matatamis na salita ng mga scammer.
Ani Nikko, “Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera.(Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen)
“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.”
Hindi rin itinanggi ni Nikko na na-depress siya dahil ito ang natatanging ipon niya lalo’t nawalan siya ng regular na trabaho sa ABS-CBN.
“Sobra sobrang depression binigay nito saken. Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao.
“Dugo’t pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala. Hindi nako umaasa na mabawi pa ‘yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera. Hustisya na bahala sayo.
“Nawalan man kami ni Cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy. Masaket dahil walan- wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko.
“Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sa kanya. Naniniwala paren ako sa hustisya. Sa lahat ng lumalaban ng patas para lang kumita ng pera. Godbless us all.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.