Bong todo-pasalamat sa medical frontliners: At dahil sa inyong dasal, I’m beating COVID-19
BINIGYAN na ng clearance ng kanyang mga doktor si Sen. Bong Revilla, Jr. para makalabas na ng ospital.
Ibig sabihin magaling na ang actor-politician matapos tamaan ng pneumonia. Pinayagan na siyang makauwi at sa bahay na lang ipagpapatuloy ang kanyang pagpapagaling.
Sa post ni Sen. Bong sa kanyang Facebook page ibinahagi niya sa publiko ang good news, “Thank You, God for Your unending love and care. Great news po!
“The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home.
“Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home.
“Again, maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin.
“Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes. I cannot thank all of you enough,” ang buong mensahe ng senador.
Nauna rito, nagpasalamat na ang aktor sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan.
“Maraming salamat po sa inyong lahat na hindi bumitaw at tuloy-tuloy na nagdasal para sa aking kalusugan.
“I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19.
“Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us.
“Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan. Thank you all. Thank you.”
Noong Agosto 18 isinugod ang aktor sa St. Luke’s Hospital dahil sa pneumonia base sa post ng asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado.
“Father God pls help my husband. He is being rushed to the hospital. His latest X-ray shows that he has developed pneumonia and isolation in a regular facility is no longer ideal. Hospital care badly needed. Father we lift him up to you,” ang pahayag ng maybahay ng senador.
Bago ito, noong Agosto 9 ay inamin ni Sen. Bong na nagpositibo siya sa COVID-19 kaya agad siyang nag-self isolate.
Ang dami namang bumati sa aktor sa social media matapos ibalita ang kanyang paggaling, kabilang na riyan ang mga kaibigan niya sa showbiz at sa entertainment media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.