Paolo hirap na hirap mag-isip ng vlog content: Tapos yung taong nakatulala lang, 3 million views! | Bandera

Paolo hirap na hirap mag-isip ng vlog content: Tapos yung taong nakatulala lang, 3 million views!

Ervin Santiago - August 23, 2020 - 12:00 PM

 

 

NAPATUNAYAN ng Kapuso actor na si Paolo Contis na hindi madali ang maging vlogger.

Kaya naman bilib na bilib siya sa mga social media influencer at content creator na halos araw-araw nagpo-post ng mga bago nilang video.

Unti-unti nang natututunan ng aktor ang mga dapat tandaan sa pagba-vlog, lalo na ang mga advantage at disadvantage ng mga artistang kinakarir na ang YouTube.

“‘Yung pagba-vlog kasi parang trial and error, eh. Meron ding disadvantage o advantage ‘yung pagiging artista. Siyempre ‘yung advantage mo kahit paano meron ka nang mga follower talaga,” pahayag ni Paolo sa panayam ng GMA 7.

Aniya pa, “Pero ang disadvantage is, natuklasan namin na ‘yung sa YouTube vlogging, mas gusto nila ‘yung natural eh, kung ano ‘yung ginagawa.

“Disadvantage ng artista ‘yan na minsan bina-blocking ‘yung nangyayari, mas maganda ‘yung set up tapos gagandahan ang editing tapos konti lang ‘yung views mo,” dugtong pa ng dyowa ni LJ Reyes.

Sa katunayan, nabanggit din ng “Bubble Gang” comedian ang paghanga niya sa isang lalaking vlogger na tumunganga lang nang dalawang oras sa video pero milyun-milyong views agad ang nakuha.

“‘Yung tao na nakatulala lang, tatlong milyong views. Medyo mind-boggling siya. Pero iba ‘yon, ‘di ba?” nagtataka at natatawang chika ni Paolo.

“Masaya na na-e-explore mo siya (vlogging) kasi bagong kaalaman siya and big respect to the vloggers talaga kasi hindi madali gumawa ng content every week or even everyday. Ako hirap na hirap na akong mag-isip,” aniya pa.

Samantala, naniniwala rin ang aktor na mas feel ng netizens ang natural na content ng mga artista kesa sa scripted na video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling ko sa actors, parang ‘yun ang mas gusto ng tao, na huwag na kayong magpaka-vlogger. Feeling ko ang gusto sa amin ng tao is to see the normal day. Kasi mas maraming views ‘yung gano’n ko na a normal day.

“I think it’s also one way na nakikita nila kami kung ano ‘yun ginagawa sa bahay na totoo, na hindi nakikita sa TV,” sabi pa ni Pao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending