ABS-CBN sa pagkansela sa Darna: Mahihirapan kaming bigyan ng hustisya ang superhero film | Bandera

ABS-CBN sa pagkansela sa Darna: Mahihirapan kaming bigyan ng hustisya ang superhero film

Ervin Santiago - August 21, 2020 - 01:47 PM

MARAMING nanghinayang sa balitang tuluyan nang nagdesisyon ang Star Cinema na huwag nang paliparin muli ang iconic Pinay superhero na si Darna.

Ito’y sa kabila ng matinding preparasyon ng production para sa nasabing proyekto na ilang beses nang napurnada dahil sa iba’t ibang problema.

Balitang nasa P140 million na ang nagastos ng Star Cinema para sa “Darna” na nagsimula pa noong si Angel Locsin pa ang bida na pinalitan ni Liza Soberano hanggang sa palitan din siya ni Jane de Leon.

Nagsisimula nang mag-training si Jane para sa nasabing superhero movie at nagsimula na rin ang pre-production at shooting nito nang bigla namang magkapandemya.

Marami ang nagkomento na mukhang hindi pa nga ito ang tamang panahon para muling paliparin si Darna dahil sa daming problemang hinarap ng produksyon.

Pero bago pa maintriga nang bonggang-bongga ang pagkaka-shelve sa “Darna”, naglabas na ng official statement ang ABS-CBN tungkol dito.
Narito ang buong pahayag ng Kapamilya Network: “Nananatili ang rights ng Darna sa ABS-CBN na nagdesisyong itigil muna ang produksyon ng pelikula pagkatapos ng masusing pag-aaral sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa industriya ng pelikula at mga sinehan.

“Handa kaming sumunod sa production guidelines sa ilalim ng new normal at pangalagaan ang kaligtasan ng mga artista at manggagawang kabilang sa produksyon.

“Ngunit dahil nangangailangan ng kumplikadong logistics, crowd shots, at fight scenes na may physical contact ang pelikula, mahihirapan kaming bigyan ng hustisya ang superhero film habang sumusunod sa guidelines.

“Nasa kalagitnaan pa rin tayo ng isang pandemya, at mahirap sabihin kung kailan makakabalik ang mga sinehan at mga manonood.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng cast, staff, at production crew sa trabahong ibinuhos nila sa proyekto. Nagpapasalamat din kami sa pamilya Ravelo, sa fans ni Darna, at sa publiko para sa suporta at pang-unawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending