Island town sa Quezon nakapagtala na ng unang dalawang kaso ng COVID-19
Nakapagtala ang island town na Jomalig sa lalawigan ng Quezon ng unang kaso nito ng COVID-19.
Ayon sa Jomalig Rural Health Unit, mayroon na silang dalawang kaso ng COVID-19 sa bayan.
Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng COVID-19 case sa Jomalig mula nang magkaroon ng pandemic.
Ang dalawa ay kapwa “authorized persons outside residence” o APOR.
Ang unang pasyente ay 38 anyos na mula sa Sitio Salibunhot.
Ang isa naman ay 36 anyos na mayroong travel history sa Atinoman, Quezon.
33 katao na ang isinailalim sa home quarantine na parang nakasalamuha ng ikalawang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.