Viral teenager na rumaraket gamit ang rollerblades binigyan ng bisekleta ni Gretchen | Bandera

Viral teenager na rumaraket gamit ang rollerblades binigyan ng bisekleta ni Gretchen

Ervin Santiago - August 21, 2020 - 09:16 AM

UNANG napili ni Gretchen Ho na bigyan ng libreng bike ang viral teenager na nagtatrabaho gamit lang ang kanyang rollerblades.

Ibinandera ng dating athlete at TV host ang good news sa pamamagitan ng kanyang official Facebook account.

Ang pamimigay ng dalaga ng libreng bisekleta ay bahagi ng kanyang charity project na “Donate a Bike, Save a Job” ngayong panahon ng pandemya.

Sa FB post ng Kapamilya TV host, in-announce niya na ang first bicycle na kanyang ipamimigay ay para sa 18-year-old na si Kean Arcilla Ramos ng Muntinlupa City.

Kung matatandaan, nag-viral sa social media ai Kean nang kumalat ang litrato niya habang nagde-deliver ng kanyang produkto (coffee beverages) sa pamamagitan ng rollerblades.

“To da rescue!! OUR FIRST BIKE RECIPIENT: 18 y/o Kean Ramos receives a bike from the #DonateABikeSaveAJob project,” ani Gretchen sa kanyang post.

Sa panayam ng INQUIRER.net, sinabi ni Kean na rumaraket siya sa pagbebenta ng kape at chocolate jelly para makatulong sa medical bill ng tatay niyang may sakit.

“Ako po ay nagbebenta ng coffee and Chuckie jelly upang makatulong sa tatay kong may sakit (enlargement of prostate) na naka-catether and unable to work.

“Ninasa ko pong tumulong sa aking tatay na nagso-shoulder lahat ng bills dahil kami ay natatambakan na po ng bills,” aniya pa.

Kamakailan, inihayag ni Gretchen na mamimigay siya ng 50 bisekleta sa “50 deserving people”, “Because a BIKE can spell the difference between keeping a livelihood or not.

“You need to JUSTIFY WHY YOU ARE DESERVING, and you need to show proof when my team contacts you.

“You may also nominate someone lalo na kung wala silang internet but we’ll go through the same verification process,” aniya sa kanyang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa latest post ng TV host, sinabi nitong tapos na ang pagtanggap nila ng nominasyon dahil umabot na sa 10,000 ang nag-apply para mabigyan ng bisekleta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending