‘Darna’ ni Jane hindi na lilipad; Star Cinema lugi agad ng P140-M
ANG historical film na “Quezon” ang inaayos ngayon ni Direk Jerrold Tarog para sa TBA Studios.
Sisimulan na ang productiom at shooting nito sa 2021 at posibleng isali ito sa Metro Manila Film Festival.
Ito’y kung matatapos kaagad ang shoot at walang magiging aberya and knowing direk Jerrold na masyadong organisado at metikuloso sa kanyang mga obra.
Ang pelikulang “Quezon” ang panghuli sa trilogy na “Heneral Luna” at “Goyo” na pinagbidahan nina John Arcilla at Paulo Avelino respectively.
Sa pagkakatanda namin ay si Benjamin Alves ang huling ipinakita sa last frame ng “Goyo” bilang si Quezon.
Si direk Jerrold ang direktor dapat ng “Darna” ni Jane de Leon na hindi na matutuloy base na rin sa pahayag ng taga-Star Cinema dahil nga sobrang laki na nang nagastos dito.
Balitang umabot na sa P140 million ang nagamit sa budget at kakailanganin ulit ng P100 million para matapos na.
Sa madaling salita aabot sa P240 million na imposibleng mabawi pa kaya kahit nagsayang na ng pera ang nasabing movie outfit ay hindi na ito itutuloy.
Sabi ng isang source, sobrang pinaghandaan pa naman ng direktor ang “Darna,” “Organized at maplano na director si Jerrold. Lahat systematic. Kaya buong pelikula naplano na niya. Locked na lahat ng locations niya.”
Sa tanong namin kung nanghinayang si direk Jerrold sa hindi pagkakatuloy ng “Darna”, “Siyempre, lalo na ‘yung buong team kasi pinaghandaan talaga. Lugi talaga ang Star Cinema kasi lock in din ang buong team dahil kahit hindi pa nagsimula ang shoot, may suweldo na sila.
“Hindi sila pinayagang tumanggap ng ibang project para concentrated sa Darna. Tapos dumating itong COVID-19 pandemic, walang shoot kaya nu’ng nag-decide ang Star Cinema na hindi na itutuloy, wala na rin ang suweldo,” kuwento pa ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.