Bakit biglang napaiyak si Angeline habang nasa labas ng bahay? | Bandera

Bakit biglang napaiyak si Angeline habang nasa labas ng bahay?

Reggee Bonoan - August 18, 2020 - 01:47 PM

 

EMOSYONAL si Angeline Quinto nang i-post sa social media ang katuparan ng isa niyang pangarap — ang maipatayo ang kanyang dream house.

“Nag drive aq sa subdivision namin kaninang umaga, bigla lang aq napahinto sa labas ng bahay.

“Literal na naiyak po aq kahit ilang taon na kaming nakatira sa bahay na to naisip q ang Mama Bob, alam q na kahit sa panaginip niya hindi kami nagkaroon ng ganito.”

Iyan ang caption ng dalaga sa larawang ibinahagi niya sa social media na may mataas na bakod at malalaking puno.

Dagdag pa niya, “Wag mong titignang maliit ang sarili mo dahil sa napakalaking Pangarap mo. ‘Yakapin mo lahat yan. ‘Wag kang magmamadali ha, sumabay ka lang sa oras at panahon.

“Hindi laging masaya, hindi laging masarap, hindi laging panalo, tanggapin mo lang, labanan mo lang. ‘Wag kang hihinto.

“Bawat sakit at paghihirap mo, hindi mababalewala. Hindi ka isinantabi ng Panginoon. May tamang panahon ang Panginoon.”

Nagpadala kami ng mensahe kay Angeline at sinabi naming natutuwa kami sa kanya dahil natupad na rin ang kanyang dream house.

Kaagad namang sumagot ang dalaga, “Alam mo po ate Reg, kaya cguro habang nakita q kanina ‘yung labas ng bahay, hindi q mapigilang maiyak kahit mag isa lang aq sa kotse.

“Kasi hanggang tumanda napo yata aq hinding hindi q makakalimutan ‘yung kinalakihan kong buhay. Na kahit mahirap kahit hindi buo ‘yung pamilya ko, may MAMA BOB ako na naging Nanay, Tatay, Ate, Kuya sa akin,” aniya pa.

Ang pangarap lang daw noon ng mang-aawit ay magkaroon ng magandang bahay na sapat lang at hindi binabaha.

“Hindi naman ho ako nag hangad ng Sobra. Pero sobra-sobra ho ‘yung ibinigay ng Diyos sa akin sa amin ng mama Bob,” sambit ni Angge.

At kahit na nakatira na sa malaking bahay at kumportable na ang pamumuhay ay hindi pa rin nakakalimutan ni Angeline ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.  Parati niyang inaalala ang mga naiwan niyang kapitbahay at mga kaibigan doon.

Sabi niya, “Ate Reg alam mo po, tuwing umuulan ng malakas, lagi ako nangangamusta doon sa lugar namin sa Sampaloc, kasi alam ko na konting ulan lang bumabaha doon. ‘Yung nakatira po sa bahay namin dati doon, alam ko na kapag malakas ang ulan madalas pa rin sila naglilimas ng baha.”

Ang binabanggit na bahay nina Angeline sa Sampaloc ay sariling lupa ng Mama Bob niya at pinauupahan nila ito na plano niyang ipagawa sana kung hindi nagkaroon ng pandemya dahil nawalan na siya ng extra income.

Naalala namin noong bago palang si Angeline ay pinayuhan na kaagad siya ng handler niyang si Kate Valenzuela na mag-invest sa bahay  habang malakas ang kita niya na sinunod naman ng dalaga.

At sakto nakakita sila ng magandang lupa sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

“Tapos saka ko po pinatayuan ng bahay kasi gusto ko po ‘yung bahay na gusto ko ang itsura po. 6 years ko po nabayaran ang dream house ko ate Reg, dapat po talaga walong taon ito, pero nabayaran ko po ng anim na taon, Salamat sa Diyos,” kuwento pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinanong namin kung may pinaggayahan siya ng bahay dahil sabi niya may gusto siyang itsura, “Wala po, nagkasundo naman po kami nu’ng architect ng bahay.”

Kaya maraming blessings si Angeline ay dahil sobrang mabait sa magulang at sa extended families niya. Nagse-share talaga siya ng blessings at hindi nakakalimot sa mga nakasama niya sa Sampaloc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending