Isa nga ba kina Erik at Coco ang TOTGA ni Angeline? | Bandera

Isa nga ba kina Erik at Coco ang TOTGA ni Angeline?

Ervin Santiago - August 18, 2020 - 10:26 AM

 

SINO nga ba kina Erik Santos at Coco Martin ang maituturing na TOTGA o ang “the one that got away” ni Angeline Quinto?

Yan ang tanong ng mga fans at social media followers ng Kapamilya singer-actress nang aminin niyang may isang taong naging bahagi na ng kanyang buhay na hinding-hindi niya malilimutan.

Ayon kay Angeline, masaya naman ang kanyang personal life, at sa katunayan ay may isang lalaking nagpapaligaya at nagbibigay-kulay sa buhay niya ngayon.

“Actually ngayon meron naman po (special someone),” ang sabi ni Angeline sa nakaraang episode ng “I Feel U”.

“Yes po (inspired). Pero hindi ko pa siya napapakilala kay Mama Bob (nanay ng dalaga), hopefully kapag maayos na ang lahat sana maipakilala ko na,” chika pa ni Angeline.

Hindi na idinetalye pa ng dalaga ang tungkol sa non-showbiz guy na kanyang tinutukoy pero marami sa mga fans niya ang naniniwala na ito rin yung lalaking tinutukoy niya sa kanyang mga post sa Instagram.

Samantala, kung may isang ipinagpapasalamat si Angeline sa pagpapatupad ng community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic, yan ay ang mas mahabang panahong pagsasama nila ng kanyang Mama Bob.

“Siguro ang biggest achievement ko ngayong quarantine is yung araw-araw na mayroon akong sobrang oras for Mama Bob,” pahayag ng singer.

“Kasi ‘yan ang hindi ko nagagawa nung marami akong trabaho, ngayon mini-make sure ko talaga na lagi kaming sabay kumain, kung ano man ang gusto niya, ‘yun ang gagawin ko basta for mama Bob,” dagdag pa niya.

Sa nasabi ring panayam, sinagot ni  Angeline ang ilang tanong mula sa kanyang fans. Isa na riyan ang question ng isang netizen kung ano ang posibleng rason para layasan niya ang showbiz.

“Siguro kapag tumanda na ako at kapag hindi ko na kaya. Pero as long as kaya ko pa kumanta, as long as kaya ko pa mai-share ang kung ano ang gusto ko para sa mga tao na sumusuporta sa akin, tuloy-tuloy lang ako,” sey ng dalagang singer.

May isa namang nagtanong kung sino ang matatawag niyang TOTGA o “the one that got away”. Walang binanggit na pangalan si Angeline pero may mensahe siya para sa nasabing guy.

“Siguro kung anuman ang meron siya ngayon, I’m sure na happy siya. At sana dumating ang time na ako naman yung matiging masaya sa buhay pag-ibig ko, sana ganu’n din siya kasaya,” pahayag ng singer-actress.

May mga nagsasabi na baka raw si Erik Santos ang tinutukoy ni Angeline dahil mukhang nagkaroon daw talaga ng “something” sa pagitan ng dalawa noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero may mga naniniwala naman na posibleng si Coco Martin ang TOTGA ng dalaga dahil na-link din ang dalawa at very vocal si Angeline sa pagsasabi noon na super crush niya ang aktor.

Kayo, dear BANDERA readers, sino sa tingin n’yo ang TOTGA ni Angeline?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending