4 waging grand champion sa The Voice Teens; nanalo ng P500K, house & lot
APAT ang itinanghal na grand champion sa finals night ng “The Voice Teens” Season 2 ng ABS-CBN.
Wagi sina Heart Salvador mula sa team ni Bamboo, Cydel Gabutero from Team Lea Salonga, Isang Manlapaz mula sa team ni Apl.de.ap at Kendra Aguirre from Team Sarah Geronimo.
Sina Salvador, Gabutero, Manlapaz at Aguirre ay nanalo ng P500,000 each plus a brand new house and lot mula sa Lessandra.
Ang two-part virtual finale episode ng The Voice Teens ay ipinalabas nitong weekend sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
Pre-recorded na ang mga performance ng contestants na kinunan sa kani-kanilang mga tahanan dahil pa rin sa health restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa isang videocon pagkatapos ng finals night show, nagbigay ng mensahe ang apat na champions sa madlang pipol.
“Hindi pa rin po pumapasok sa isip ko na ito na po yung nangyari. Marami man pong nangyari like the pandemic, this season is really a historical moment kasi apat yung nanalo.
“Nagpapasalamat ako sa mga tao na sumubaybay at sumuporta at nagtiwala po sa aming apat,” ani Gabutero.
Sey ni Manlapaz, “Sobrang nakaka-overwhelm po. Grabe pa rin yung iyak ko hanggang ngayon kasi sobrang unexpected po talaga. Sobrang thankful po talaga ako sa lahat.”
Ayon naman kay Aguirre, “Other than apat po kaming champion, I think [the best thing that happened this season is] lahat kami nakapag-build ng friendship with each other. Not just friendship, but may family na na-build.”
“I am really happy na none of us sa competition ay naging competitive na ayaw makipag-usap or ayaw makipagkaibigan. We all got close lalo na po nitong pandemic na ito. Lalo po kaming magka-chat and lagi po kaming magka-video call,” dagdag niya.
Sabi naman ni Salvador, isa sa mga natutunan niya sa naging journey niya sa The Voice ay ang pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao at kung paano makisama sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.