Mansyon nina Manny at Jinkee sa Forbes Park binebenta sa halagang P1.5-B?
KALAT na ang chika na ibinebenta na umano nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang 3-storey mansion sa Forbes Park, Makati City.
For sale na raw ang bonggang-bonggang “Zen inspired luxury mansion” ng mga Pacquiao base sa naka-post sa Presello.com.
Ang nabanggit na 2,000-square meter property ng senador at boxing champ ay for sale na raw sa halagang — P1.5 billion!
Ayon sa nasabing post, may 4-car garage, 5 bedrooms at 7 bathrooms ang bahay nina Manny at Jinkee sa Forbes Park.
Walang binanggit sa website kung pag-aari nga ng mga Pacquiao ang ibinebentang mansyon pero may mga netizens ang nagpatunay na sa kanila nga ang yayamaning bahay base sa kanilang research.
Tulad na lang ng mga litrato na naka-post sa Prosello.com kung saan makikita si Sen. Manny suot ang kanyang boxing shorts with matching Philippine flag pa.
Ayon sa ulat, nabili ng senador ang nasabing property noong 2011 at nagsisilbi pa bilang kongresista sa Sarangani Province.
Ang balita, nagkakahalaga lang noon ang mansyon ng P388 million pero ipinagbibili na ito ngayon sa halagang P1.5 billion.
Bukod sa mga ari-arian nila sa Amerika, meron pang dalawang bahay sina Sen. Manny at Jinkee sa General Santos City, isang beach-front private resort sa Saranggani Province at isa pang mansyon sa Laguna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.