Aga naging 'tulay' sa relasyon nina Vice at Ion: Siya ang dakilang bugaloo! | Bandera

Aga naging ‘tulay’ sa relasyon nina Vice at Ion: Siya ang dakilang bugaloo!

Ervin Santiago - August 16, 2020 - 10:34 AM

ALAM n’yo ba na si Aga Muhlach pala ang nagsilbing “tulay” para magkakilala sina Vice Ganda at Ion Perez?

Mismong ang Phenomenal Box-Office  Star ang nagkuwento kung paanong naging mahalagang bahagi si Aga ng kanyang masaya at makulay na lovelife ngayon.

Sa live episode ng “It’s Showtime” kahapon, binati ni Vhong Navarro si Aga na nag-celebrate ng kanyang 51st birthday last August 12.

Dito na nga naikuwento ni Vice na magka-text sila ng award-winning actor nu’ng mismong kaarawan nito.

Binati at nag-thank you raw siya kay Aga dahil siya ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Ion.

“Sabi ko, ‘Kasi hindi mo alam, malaking bahagi ka sa buhay ko.’ Sabi niya, ‘Bakit?’

“Sabi ko, ‘Natatandaan mo si Ion?’ Sabi niya, ‘Sino si Ion?’ Sabi ko, ‘Si Ion ang ipinakilala mo sa akin sa GGV (Gandang Gabi Vice) a long time ago.’

“Nasa audience si Ion, tapos kinuha niya (Aga), ipinakilala niya sa akin,” ani Vice.

Ito yung episode na nag-guest si Aga sa GGV noong October, 2017 para sa promo ng pelikulang “Seven Sundays.”

Nasa audience that time ang winners ng Misters of Filipinas 2017 kabilang na si Ion.

“’Tapos, hindi ko na ‘yon natandaan. Tapos after a few years, nandito na si Ion sa Showtime. Nandito na kami. Nagkita.

“Tapos nu’ng may eksena na, tsaka niya sinabi, ‘Ako yung ipinakilala sa ‘yo ni Aga Muhlach sa GGV,’” lahad ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biro pa ni Vice, “Si Aga Muhlach ang dakilang bugaloo.” Ang tinutukoy niyang “bugaloo” ay gay lingo para sa salitang bugaw.

Chika pa ni Vice, sakaling ikasal sila ni Ion, kukunin daw niyang ninong si Aga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending