Daniel kay Kathryn: Kahit walang ayos, napakaganda ng babaeng 'yon! | Bandera

Daniel kay Kathryn: Kahit walang ayos, napakaganda ng babaeng ‘yon!

- August 14, 2020 - 09:27 AM

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

 

“IN love na in love ka na naman!”

Yan ang panunukso kay Daniel Padilla ng mga kaibigan niya nang mapagkuwentuhan nila si Kathryn Bernardo.

Muling pinakilig ni DJ ang madlang pipol nang purihin at ipagmalaki niya ang magagandang katangian ng kanyang girlfriend sa mga kaibigan.

Nakipag-bonding ang young actor sa mga kabarkada niyang sina Khalil Ramos at Patrick Sugui sa pamamagitan ng Facebook Live kamakalawa.

Habang nasa kwarto si Patrick at nasa tila isang computer shop si Khalil ay nasa loob naman ng kanyang sports car si Daniel.

Sa takbo ng usapan ng magkakatropa, walang bukambibig si DJ kundi ang kanyang girlfriend, ipinagmamalaki niya ang mga bagong pinagkakaabalahan ngayon ng dalaga.

“Si Kathryn? Ayaw bang sumali dito? Tawagin niyo na si Kathryn or i-flood niyo na lang si Kathryn sabihin niyo sali siya,” ani DJ sa mga kausap sa FB Live.
Maya-maya ay humirit uli ang binata, “Anyway, ano na? Please balitaan niyo ako tungkol kay Kathryn.

“Asan na siya? Gusto ko siyang makausap dito. Kahit walang ayos ‘yon, napakaganda ng babaeng ‘yon. Hindi niya na kailangan mag-ayos,” sey ng aktor na talagang ikinakilig ng KathNiel fans.

Ayon kay Patrick, baka raw tulog na si Kathryn na sinagot ni Daniel ng, “Baka may ginagawa. Di ko matawagan kasi gamit ko telepono ko. Paano kaya? Mayayari ako.”

Naikuwento rin ni DJ na bilib na bilib siya kay Kath dahil marunong na rin itong tumugtog ng piano.

“Si Kathryn nagpa-piano siya. Nagpa-piano si Kathryn ngayon. Galing niya!
“Ako, tumutugtog ako, di ba? Si Kathryn natututo sya sa cellphone, may app. Ang hirap nun, a! Well, may ganu’n talagang utak, e, she’s a genius sa sarili niyang paraan,” aniya.

Hirit sa kanya ni Patrick”E, di in love na in love ka na naman!” Na sinagot ni Daniel ng, “In love ako, ewan ko, o baka nagpapasikat lang siya.”

Sey pa ni Daniel, may balak daw sila ni Kath na mag-jam para sa isang music collaboration kaya naman mas na-excite ang kanilang milyun-milyong supporters.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending