Kris Bernal umamin na: Yes, na-in love ako kay Aljur! | Bandera

Kris Bernal umamin na: Yes, na-in love ako kay Aljur!

- August 14, 2020 - 09:25 AM

 

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang tanong kung na-in love ba siya kay Aljur Abrenica noong magka-loveteam sila.

Sa latest YouTube vlog ni Kris, nagpa-Q&A session siya sa kanyang Instagram followers at isa ngang netizen ang nang-usisa tungkol sa naging tunay na relasyon nila noon ni Aljur.

Sey ni Kris, “Naging loveteam kami ni Aljur nu’ng StarStruck pa lang, 17 years old ako noon, hindi ako na-in love sa kanya.

“Pero nu’ng nag-work na kami, aaminin ko, na-in love ako sa kanya pero may girlfriend siya that time.

“Hindi naman ako ‘yung type ng tao na ano porke’t type kita maninira ako? Never ako nagkaroon ng ganoong issue kung mapapansin n’yo.

“Wala akong issue na ganyan sa mga lalaki. No, hindi ako ganoong klaseng girl so kahit gusto kita, kahit nai-in love na ako sa ‘yo, mataas ang respeto ko sa relationship mo,” simulang pahayag ng aktres.

“I did fall in love with Aljur. Araw-araw mo ba naman kasi kasama tapos ‘yung mga eksena n’yo sweet-sweetan.

“Tapos you know, siyempre when you’re acting, may truth doon, eh. You have to feel ‘yung truth sa heart mo, eh while you’re acting.

“So, hindi naman siya na parang lagi kaming sweet on TV sa mga eksena namin and then parang wala kang nararamdaman. Kailangan may maramdaman ka, eh.

“Ewan ko, ganoon ako as an artista, kailangan may hint of truth sa mga eksenang ginagawa ko so yes, na-in love ako sa kanya.

“Matagal na ‘yon. Move on na tayo. Engaged na ako and yes, may family na siya,” pahayag pa ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending