Lovelife hugot ni Vice: Kung mahal ko, go! Pero kung hindi na, wala na | Bandera

Lovelife hugot ni Vice: Kung mahal ko, go! Pero kung hindi na, wala na

Ervin Santiago - August 13, 2020 - 09:55 AM

HANDANG magsakripisyo at magpatawad si Vice Ganda hangga’t mahal niya ang taong karelasyon.

Naniniwala ang TV host-comedian na kakamabal ng tunay na pagmamahal ang pag-intindi at pagpapasensiya sa iyong partner.

Nakapagsalita muli si Vice tungkol sa usaping love sa “It’s Showtime,” nang aminin ng isang Tawag ng Tanghalan contestant na lagi silang nag-aaway ng girlfriend niya dahil sa paglalaro niya ng mobile game.

Tinanong si Vice ng co-host niyang si Jhong Hilario kung ano ang masasabi niya rito “Sa akin, wala sa laki o liit ng problema, wala sa dalas.

“Bibitaw ako ‘pag hindi ko na mahal. Kasi ang pagmamahal, kakambal niyan ay pasensya, pagpapatawad, sakripisyo,” simulang pahayag ng komedyante.

Hindi niya binanggit ang pangalan ng boyfriend niyang si Ion Perez na dalawang taon na niyang karelasyon ngayon pero mukhang going strong naman ang kanilang pagsasama.

“Pero ‘pag hindi mo na siya mahal, hindi ka na magpapasensya, hindi ka na magpapatawad, hindi ka na magsasakripisyo.

“Pero hangga’t mahal mo ‘yung tao, meron kang dahilan para magsakripisyo, may dahilan ka para magpatawad, umunawa,” dagdag pa niya.

Chika pa ni Vice, “Kung mahal, ko, sige go, mahal ko ‘yan, e. Pero kung hindi na kita mahal, kahit maliit pa ‘yan, hindi na kita mapapatawad.

“Kung mahal kita, kahit malaki ‘yan, kaya kitang patawarin. Dahil ‘yung pagmamahal ko, kakambal niyan ay pagpapatawad, sakrisipisyo, at pang-unawa,” aniya pa.

Payo pa ng TV host sa madlang pipol, “Meron naman tayo lahat pagkukulang, pero kung alam mo nang nagkulang ka, bumawi ka naman.

Maglambing ka naman.

“Ang masakit diyan ‘yung alam mo nang nagkulang ka, pero wala kang ginawa.

“Lahat tayo nagkukulang, hindi tayo perfect. Lahat tayo merong kahinaan, nagkukulang tayo. Pero i-acknowledge natin, at tanggapin natin ‘yung pagkukulang, aminin natin sa sarili, at bumawi tayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi, deserve niya ‘yun, e. Mahal natin siya, kaya kailangan bumawi tayo. Pag mahal mo ‘yung tao, gusto mo, magaan ang pakiramdam niya,” hirit pa ni Vice Ganda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending