DJ Chacha: Mantakin mong nakawan ang naghihingalo at may sakit...nasaan ang kunsensya? | Bandera

DJ Chacha: Mantakin mong nakawan ang naghihingalo at may sakit…nasaan ang kunsensya?

Ervin Santiago - August 13, 2020 - 09:23 AM

GALIT na galit din ang radio host na si DJ Chacha sa bumanderang mga katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation.

Hindi na rin niya napigilan ang sarili na maglabas ng sama ng loob at pagkamuhi sa lahat ng sangkot umano sa talamak na corruption sa PhilHealth.

Sa Twitter idinaan ni DJ Chacha ang mga sentimyento niya hinggil sa isyung ito na aniya’y isang maliwanag na panloloko sa sambayanang Filipino.

“Kakapanlumo yung issue ng PhilHealth. Mukhang walang hihimas ng rehas.

“Hay. Lord, nakikita mo naman lahat. Ikaw na ang bahala sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan,” hugot ni DJ Chacha.

Hirit pa niya,“‘Yung nagtanggal lang ng face mask para uminom ng tubig, may fine agad.

“Pero itong mga magnanakaw ng perang pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, may pag asa bang managot? HAY.”

Nginit positibo pa rin ang radio host na darating din ang tamang panahon na makakarma at pagbabayarin ng matindi ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno.

“Kapit, hindi natutulog ang Diyos. Siya ang bahala sa mga kawatan na ito. Hindi man kayo maparusahan dito sa mundo, pagdating ng panahon haharap kayo kay Lord.

“Siya ang bahalang magbigay ng karampatang parusa sa mga kasalanan ninyo,”  aniya pa.

“Mantakin mong nakawan ang mga naghihingalo at may sakit. Nasaan ang kunsensya?” pahabol ni DJ Chacha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending