Aiko ayaw tumigil sa pagpapaseksi: Binibilang ko talaga ang kinakain ko, ganu'n ka-wild! | Bandera

Aiko ayaw tumigil sa pagpapaseksi: Binibilang ko talaga ang kinakain ko, ganu’n ka-wild!

Ervin Santiago |August 12,2020
facebook
share this

Aiko ayaw tumigil sa pagpapaseksi: Binibilang ko talaga ang kinakain ko, ganu’n ka-wild!

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 12:41 PM

 

KALKULADO at takal na takal ang mga kinakain ngayon ng Kapuso actress na si Aiko Melendez.

Talagang nagpapasabog ng kaseksihan ngayon ang award-winning actress sa social media na puring-puri naman ng mga netizens.

Maraming nanay ang umiidolo ngayon kay Aiko dahil sa ginagawa niyang pag-aalaga sa kanyang katawan.

Siya ngayon ang inspirasyon ng mga mommy sa pagiging fit, sexy and healthy. At yan naman talaga ang isa sa objective ng aktres sa pagse-share niya ng kanyang sexy photos sa social media.

Very generous din siya sa pagbabahagi ng kanyang sikreto kung paano niya na-achieve ang pagiging fit ngayong panahon ng quarantine. Kabilang na nga riyan ang pagbabantay sa kanyang calorie intake.

“I went as low as 500 calories on my first month, ganoon ka-wild talaga,” sabi ni Aiko sa panayam ng GMA.

“‘Yung discipline ko talaga, itinaon ko, quarantine tayo ngayon, at least sa bahay lang ako, monitored ko ‘yung pagkain ko.

“I have to prepare my meal, kina-count ko ‘yun, may app ako to count the food I eat. Disiplinado, and the lifestyle talaga, I had to change it,” aniya pa.

Ibinahagi rin ni Aiko ang kanyang weight loss journey sa isa niyang vlog, kung saan inamin ng “Prima Donnas” actress na nakarinig pa siya ng masasakit na salita mula sa bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nandiyan ‘yung tinawag nila akong mukhang nanay, eh nanay naman talaga ako. Proud ako na nanay ako ni Andre at ni Martina.

“Mukha raw akong aparador, ine-edit ko daw picture ko, eh wala naman akong time mag-edit at hindi ako marunong mag-edit ng picture,” diin ni Aiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending