Rhian Ramos certified 'quarantita' na; Gil Cuerva gustong maging sportscaster | Bandera

Rhian Ramos certified ‘quarantita’ na; Gil Cuerva gustong maging sportscaster

Ervin Santiago |August 12,2020
facebook
share this

Rhian Ramos certified ‘quarantita’ na; Gil Cuerva gustong maging sportscaster

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 10:27 AM

 

DAHIL ilang buwan na ring “nakakulong” sa bahay dulot ng community quarantine, maraming new hobbies na nasubukan ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Para maging busy at productive sa bahay, ni-revive ni Rhian ang kanyang YouTube channel para ibahagi sa fans ang iba’t ibang activities na kanyang pinagkakaabalahan.

Ilan sa vlogs na patok sa netizens ay ang kanyang skincare routine, pag-bake ng brownies at pag-tie dye ng kanyang mga damit.

Kaya naman aminado si Rhian na dahil sa hobbies na ito ay isa na siyang ganap na “quarantita.”

Caption niya sa kanyang Instagram post, “Baking, skincare, dresses, flowers.. Who am I? I like it. I’m getting my quarantita on.”

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-trabaho para sa serye na “Love of my Life”, napapanood si Rhian sa rerun ng “Stairway to Heaven” na magtatapos na ngayong Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Nagkaroon ng masayang virtual bonding session ang Kapuso actor at TV host na si Gil Cuerva sa kanyang fans at supporters.

Sa kanyang Kapuso Brigade Zoomustahan, ibinahagi ng aktor ang ilang personal stories tungkol sa kanya.

Naikuwento niya sa fans na kung nagkataon na hindi siya naging artista, posible raw siyang naging isang sportscaster.

“Mahilig kasi ako sa sports. If hindi siguro ako artista, siguro magiging sportscaster ako or sports journalist,” ani Gil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa ring option para sa kanya ang magtrabaho sa kanilang family business.

“Kung hindi ‘yun, my dad has a logistic business. Maybe that would be an option, to work for my dad. Pero ang hilig ko talaga ay sports. Especially basketball,” dagdag ng “Taste Buddies” host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending