Thea Tolentino certified 'mommy' na; b-day wish ni Sanya Lopez para sa mga Pinoy | Bandera

Thea Tolentino certified ‘mommy’ na; b-day wish ni Sanya Lopez para sa mga Pinoy

Ervin Santiago |August 11,2020
facebook
share this

Thea Tolentino certified ‘mommy’ na; b-day wish ni Sanya Lopez para sa mga Pinoy

Ervin Santiago - August 11, 2020 - 09:41 AM

 

 

ISA nang ganap na “cat mom” ang Kapuso actress na si Thea Tolentino!

 

Isa si Thea sa mga Kapuso actress na nahihilig ngayon sa pag-aalaga ng pusa. Kaya naman nag-decide siyang mag-adopt ng pet cat mula sa dating Sexbomb Dancer na si Jacky Rivas.

 

Pinangalanan niyang Blair ang kanyang baby kitten at agad niya itong pinakilala sa fans at netizens sa kanyang Instagram post.

 

“Thank you ng marami sa inyo Ate @jacky.rivas for letting me have Blair and amore @genvallacer dahil ikaw ang unang nakahanap sa kanila.

“First pet ko si Blair at nagkataon na today is International Cat Day!” caption ni Thea sa litrato ni Blair.

 

Nakatanggap din si Thea ng ilang tips mula sa kanyang followers kung paano maaalagaan nang mabuti ang bago niyang baby cat.

* * *

Ipinagdiwang ng Kapuso star na si Sanya Lopez ang kanyang ika-24 kaarawan kamakalawa kasama ang pamilya.

 

Simple ngunit masaya ang naging celebration ng aktres kahit nasa bahay lang.

 

“My wish on my birthday is for everybody to be safe all the time,” ang simple ngunit makabuluhang birthday wish ng aktres.

 

Inulan din siya ng well wishes mula sa mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang kaniyang “bida-bida sib” na si Jak Roberto, Lovi Poe, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Kate Valdez, Max Collins at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Samantala, napapanood pa rin si Sanya bilang si Danaya sa rerun ng 2016 primetime series na “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending