Bong tuloy ang paglaban sa COVID; Jolo humiling ng dasal para sa ama | Bandera

Bong tuloy ang paglaban sa COVID; Jolo humiling ng dasal para sa ama

Ervin Santiago |August 10,2020
facebook
share this

Bong tuloy ang paglaban sa COVID; Jolo humiling ng dasal para sa ama

Ervin Santiago - August 10, 2020 - 02:02 PM

 

HUMILING ng dasal ang actor-politician na si Jolo Revilla para sa amang si Sen. Bong Revilla, Jr. na nakikipaglaban na rin ngayon sa COVID-19.

Nagpositibo sa killer virus ang senador at kasalukuyang naka-quarantine sa kanilang tahanan.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Cavite Vice-Governor Jolo na asymptomatic ang ama at patuloy na inoobersabahan ang kundisyon habang naka-self isolation.

Sabi pa ni Jolo, ang nanay naman niyang si Lani Mercado at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay negatibo sa COVID base sa resulta ng swab test nila.

‘Malaki po ang magagawa ng ating pinagsama-samang panalangin. Ngayon pa lang, taos puso na po kaming nagpapasalamat sa inyong panalangin at pagmamahal!” mensahe ni Jolo.

Kahapon, kinumpirma ni Sen. Bong na meron siyang COVID, “Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.

“Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan,” pahayag ng senador.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.

“Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending